Bakers, super chargers umiskor
MANILA, Philippines - Naipakita ng Café France ang larong hinahanap ni coach Edgar Macaraya nang gulatin ang Erase Xfoliant mula sa 73-58 panalo sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Yñares Sports Arena sa Pasig City.
Tumapos si Roger Pogoy bitbit ang 18 puntos, habang 10 ang ginawa ni Jan Jamon para sa 2-1 baraha ng Bakers.
Bumaba naman ang karta ng Erasers sa 2-2 at ininda ang mahinang shooting percentage ng kamador na si Jett Vidal at Nate Matute.
Si Vidal ay tumapos na may 11 puntos mula sa 4-of-12 shooting, habang si Matute ay may 3-of-12 para sa 9 puntos.
Sa ikalawang laro, dinomina ng Big Chill ang Cebuana Lhuillier, 81-61.
Sinaluhan ng Big Chill sa liderato ang NLEX mula sa magkatulad nilang 3-0 marka.
- Latest