NLEX, Blackwater nagwagi

MANILA, Philippines - Sa panahong na­me­meligro ang kanilang win­ning streak, sinandalan ng NLEX Road Warrior ang tibay sa depensa para maitakas ang 91-87 panalo laban sa Jose Rizal University sa PBA D-League As­pirants’ Cup kahapon sa Yñares Sports Arena sa Pa­sig City.

Dalawang errors ang hi­nirit ng Road Warriors laban kay Kenneth Ighalo sa huling 14.5 segundo pa­ra mailista ang kanilang ikatlong sunod at ika-20 di­retso sa kabuuan.

Lumamang ng 20 puntos ang Road Warriors sa first half pero nagbago ang takbo sa second half at ang 15-0 bomba ng Heavy Bombers ang nagresulta sa 67-78 ng JRU sa 5:12 sa orasan.

Si RR Garcia ay nagsalpak ng tres para ilapit ang koponan sa 87-86.

May 17 puntos at 10 re­bounds si Jake Pascual.

Sinandalan naman ng Blackwater Sports ang 28-10 palitan sa ikalawang yug­to patungo sa mada­ling 84-60 panalo kontra sa Boracay Rum sa ikalawang laro.

NLEX 91 -- J. Pascual 17, Sanggalang 15, Garcia 10, Pascual R. 9, Lanete 9, Alas 8, Camson 7, Salva 6, Long 4, Sumalinog 4, Hermida 2, Amer 0, Ganuelas 0.

JRU 87 – Acidre 21, Mirza 19, Maiquez 14, Ighalo 11, Pinto 8, Miranda 6, Caperal 4, Villarias 2, Apinan 2, Lopez 0, Almario 0.

Quarterscores: 26-17; 45-33; 67-63; 91-87.

 

Show comments