LOS ANGELES, California – Binisita kahapon nina NBA Hall-of-Famers at ngayon ay mga TNT commentators na sina Reggie Miller at Charles Barkley si Manny Pacquiao sa Wild Card Boxing Gym.
Sinamahan ni Miller si Pacquiao sa pagjo-jogging sa Griffith Park noong umaga.
Kinahapunan ay kinunan naman nina Miller at Barkley ang isang espesyal na TNT segment kay Pacquiao.
“Ayos naman, nasamahan ako sa jogging sa umaga sa Griffith Park then nag-play kami, naglaro kami ng basketball sandali and then nanood siya ng training ko,” ani Pacquiao sa panayam ng ABS-CBN News North America Bureau.
Sa nasabing segment ay ipapakita ni ‘Pacman’ ang pagtuturo niya sa dalawang basketball legends ng kanyang mga boxing techniques.
“I taught him ‘yung mga combination sa boxing – jab, straight, hook, uppercut,” wika ni Pacquiao kina Miller at Barkley.
Pinuri naman ni Miller sa TMZ si Pacquiao.
“Not only is he the man in the ring, but he’s got an awesome jump shot, too,” sabi ni Miller.