PBA D-League Aspirant’s Cuperasers, Rising Suns umiskor ng panalo
MANILA, Philippines - Binuhay ni Nate Matute ang malamig na opensa ng Erase Xfoliant sa ikalawang yugto tungo sa 79-68 dominasyon laban sa Informatics sa PBA D-League Aspirants’ Cup kahapon sa Arellano University gym sa Legarda, Manila.
Nagkalat ng pito sa 13 sa laro si Matute sa nasabing yugto upang burahin ng Erasers ang 28-31 iskor at lumayo pa sa halftime sa 40-33.
Humalili na sina Jett Vidal at Macky Acosta sa ikatlong yugto at nagsanib sa apat sa limang tres na ginawa sa yugto upang tuluyan ng iwanan ang Icons, 64-45. Ang unang buslo sa huling yugto ni George Allen ang naglista sa pinakamalaking bentahe sa 21 puntos, (66-45).
Ito ang ikalawang dikit na panalo ng tropa ni coach Aric del Rosario matapos ang 71-101 pagkakadurog sa NLEX upang okupahin ang ikaapat na puwesto.
“Kailangang manalo ng manalo para hindi matanggal ng maaga. Masaya na ako kung magawa namin ito. Pero mas masaya kung pumasok kami sa semifinals,” wika ni del Rosario.
Si Vidal ay may 19 puntos, si Acosta ay may 14 kasama ang tatlong tres, habang sina Moncrief Rogado at Bryan Cruz na may 18 at 17 puntos ang namuno sa Icons na bumaba sa 0-2 baraha.
Pumutok ang Cagayan Valley Rising Suns sa ikatlong yugto tungo sa paghablot ng ikatlong panalo sa apat na laro sa pamamagitan ng 85-70 panalo sa Café France sa ikalawang laro.
Unang kabiguan sa 2-laro ang nalasap ng Bakers na humugot ng 19 puntos kay Mike Parala. (AT)
Erase Xfoliant 79--Vidal 19, Acosta 14, MAtute 13, Gomez 10, Allen 8, Thompson 5, Mendoza 4, Alano 4, Arboleda 2, Babayemi 0.
Informatics 68 – Rogado 18, Cruz 17, Bautista 8, Hayes 8, Lituania 7, Mangahas 4, Benitez 4, Carlos 2.
Quarters: 21-22; 40-33; 64-45; 79-68.
- Latest