Star Group inupuan ang solo liderato sa MBL

MANILA, Philippines - Kapwa humugot ang defending champion Star Group of Publications at Smart Communications ng kapana-panabik na panalo laban sa kanilang mga  katunggali sa 2012 MBL Corporate Cup 2 basketball championship sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila nitong  Hu­webes.

Sumandal ang Star Group sa mahusay na pag­­lalaro nina Niño Marquez at Dennis Rodriguez upang pabagsakin ang PRC Couriers, 75-72, at masungkit ang maagang liderato sa pangalawa nitong panalo sa prestihiyo­song tourna­ment na itinata­guyod ng Millennium Basketball League (MBL) sa tulong ng Ironcon Buil­ders, Dickies Underwear ar Zucchero Cafe.

Nauna rito, namayani ang Smart Communications laban sa Victoria Court, 91-73 sa isa pang laro.

Umiskor si Marquez   ng anim sa kanyang game-high 18 puntos sa fourth quarter, kabilang na ang krusyal na three-point  play laban sa mahigpit na depensa ni Dennis Lim upang basagin ang huling deadlock sa laro, 67-all.

Si Rodriguez ay nag-bida sa kanyang malayong three-point habang papaubos na ang shot clock para ihatid ang Star Group sa panalo.

Nagpasiklab din sina Jhong Bondoc na may 16 puntos at Cris Corbin na may siyam na puntos.

 Smart 91--Del Rosario 19,   Herrera 15,   Dizon 13,  Agbayani 12, Escueta 7, Castillo 6,  Aranza 6,   Quimpo 5,   Carreon 3, Baldos 2, Rivera 2, Iglesias 1.

Victoria Court 73--Hermano 22, Ortega 14, Valenciano 11,  Cheng 11, Lasay 8 ,  Galupo 4, Matuba 2,   De Rojas 1.

Quarterscores: 20-13,  49-40,  71-55, 91-73.

 Star Group 75--Marquez 18, Bondoc 16, Corbin 9, Coquilla 8,  Ortega 7, Roque 6, Rodriguez 5, Sangalang 2,  Reducto 2, Geocada 2.

PRC Couriers 72--Sta. Maria 13, Litonjua 13,  Asoro 10, Goco 8,  Mabigat 8, Bower 6, Lim 4,  Lopez 4, Villarta 2,  Alon 2, Reyes 1, Murillo 1.

Quarterscores: 16-14,  35-39, 53-53, 75-72.

 

Show comments