European riders tuloy sa pananalasa
MANILA, Philippines - Ipinagpatuloy ng mga European riders ang kanilang pananalasa sa 2012 World Cable Wakeboard Championships bago ang labanan sa mabigat na Open men at ladies events sa 2012 World Cable Wakeboard Championships sa Deca Wake Board Park sa Clark, Angeles City.
Matapos ang tatlong araw, kumolekta ng korona ang mga riders mula sa Europe at Africa Championships sa nasabing six-day event na suportado ng Rixen Cableways, IWWF Wakeboard 2020 Vision, Smart, Gatorade, Deca Homes, Stoked Inc, RipCurl, Monster Energy Drink, Devant LED TV, Bacardi, Department of Tourism Region 3, Aktion Parks, Plus Event Marketing at inorganisa ng Eventking Corp.
Pinagreynahan ni Sanne Meijet ng the Netherlands ang girls’ event para talunin sina Vanessa Weinhauer ng Germany at Lottie Harbottle ng Great Britain.
Kagaya ni Meijet, inangkin ni Europe-Africal prince Hegadus Akos ang titulo sa boys’ division kasunod sina Harry Eames at reigning British champion Ryan Peacock.
Dinomina naman ni Frenchman Raphael Menconi ang labanan sa masters division para biguin sina 2010 titlist Wolfram Wagner ng Germany at Great Britain bet Lee Mart.
Sa wakeskate ay nagkampeon sina Ori Boujo (junior ladies) ng Israel at Clément De Prémonville (junior men’s) ng France.
- Latest