^

PSN Palaro

Thunder iniligtas ni Durant

Pilipino Star Ngayon

CHICAGO--Sinandalan ng Oklahoma City si Kevin Durant sa fourth quarter, habang hindi pa rin naglalaro si Chicago Bulls superstar Derrick Rose.

Umiskor si Durant, ang NBA scoring champion, ng 10 sa kanyang 24 points sa final period para banderahan ang Thunder sa 97-91 panalo kontra sa Bulls.

“It was one of those games you have to grind out,” sabi ni Durant. “We’ve been through so many. We know what it takes.”

Sinelyuhan ni Durant ang kanilang panalo nang isalpak ang isang off-ba­lance jumper sa huling 35.1 segundo. Tumipa pa siya ng isang basket at dalawang freethrows.

Iniwanan ng Oklahoma City ang Chicago sa isko­ring sa 31-19 sa fourth quarter upang makabangon buhat sa isang six-point deficit.

Humugot naman si Serge Ibaka ng 15 sa kanyang 21 points sa first half at humakot ng team-high 9 rebounds para sa Thunder, tinalo ang Bulls sa tatlo sa kanilang apat na paghaharap sa Chicago.

Nagdagdag si Russell Westbrook ng 16 points at 12 assists para sa Oklahoma City.

 

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

HUMUGOT

INIWANAN

KEVIN DURANT

NAGDAGDAG

OKLAHOMA CITY

RUSSELL WESTBROOK

SINANDALAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with