Phl ladies, TBAM-Prima bumandera agad sa PBC bowl
MANILA, Philippines - Sa likod ng maagang pagpapasiklab ng Philippine ladies team sa pagsisimula ng team competition, umagaw naman ng eksena ang TBAM-Prima nang kanilang agawin ang pangunguna sa pitong events sa pagbubukas ng aksyon sa 41st PBC-POC-PSC Open Bowling Championships sa SM Center sa Mall of Asia, Pasay City nitong Linggo.
Nagpagulong ang veteran internationalist na si Liza del Rosario at Poland-bound World Cupper Krizziah Tabora ng 451 at 446, ayon sa pagkakasunod para trangkuhan ang Team Phl sa 1312 series at kunin ang pangunguna laban sa TBAM-Prima (1132) at isa pang team ng Phl (1123) sa Open division.
Nagrolyo si Rachelle Leon ng 415 na kumumpleto sa produksyon ng national team sa tournament na ito na hatid ng PSC, POC, Boysen, PCSO at Team Prima.
Ngunit nagbigay ng babala ang Team Prima ng kanilang kahandaan sa pagkopo ng korona nang manguna sila sa limang iba pang koponan sa team events at ladies Open at Class A doubles competition.
Naglista sina TBAM-Prima’s Richie Poblete, Jonas Baltasar at Enzo Hernandez ng 1413 at iwanan ang isa pang TBAM-Prima squad (1311) at Phl team’s (1297) sa Open men’s division. Nangunguna rin ang TBAM-Prima sa men’s team Class A sa itinalang 1149, men’s Class B, 1079, ladies’ Class A team 1060, ladies Class B,1015, at ladies Open doubles event, 789 at Class A doubles, 756.
- Latest