^

PSN Palaro

Smith rekomendasyon lang ang papel sa ABAP

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hanggang rekomendasyon lamang ang magi­ging papel sa Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) ni Irish boxing consultant Kevin Smith.

Si Smith na may 20- taong karanasan bilang coach ng Scotland team ay kinuha para tulungan ang ABAP sa pagbuo ng programang makakatulong para muling kuminang ang Pambansang boksingero sa malalaking torneo.

Ayon kay ABAP executive director Ed Picson na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate kahapon, hindi tuturuan ni Smith na mag-coach ang mga national mentors dahil kuntento ang NSA sa kakayahan ng mga ito na hawakan ang Pambansang koponan.

Pero si Smith ang tutu­long sa paghahanap sa mga kakulangan sa ipaiiral na programa sa susunod na taon.

“He’s not here to teach us but he’s here to observe, analyze and assess our trai­ning methods. Hindi na bago ito dahil mayroon na rin tayong kinuhang mga dating foreign consultants,” wika ni Picson.

Nakasama sa Forum si Smith bukod pa ng mga national coach Roel Velasco at Ronald Chavez at mismong ang 48-anyos na dayuhan ay naniniwala sa kakayahan ng Filipino boxers na makasabay sa mga bigating katunggali.

“It’s obvious they have the natural talent and have good reflexes. I’ve seen a lot of promising boxers in the seniors, juniors and women,” wika ni Smith.

Dalawang linggo pa lamang si Smith sa Pilipinas pero nalibot na niya ang training sites sa Baguio City at sa ABAP Gym sa Rizal Memorial Sports Complex.

Nakasama rin siya sa Bago City para sa Visayas elimination at makakasama uli sa General Santos City para sa Mindanao leg.

Sa susunod na taon pa bubuo ng national pool ang ABAP na kanilang isasabak sa mga torneo.

AMATEUR BOXING ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

BAGO CITY

BAGUIO CITY

ED PICSON

GENERAL SANTOS CITY

KEVIN SMITH

NAKASAMA

PAMBANSANG

RIZAL MEMORIAL SPORTS COMPLEX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with