^

PSN Palaro

POC-PSC batang pinoy :Laguna dinomina ang Southern Luzon leg

Pilipino Star Ngayon

CALAPAN, Oriental Mindoro , Philippines --Isinara ng Laguna ang kanilang dominasyon sa Southern Lu­zon leg ng Philippine Olympic Committee-Phi­lippine Sports Commission Batang Pinoy Games sa pamamagitan ng mga panalo sa badminton at chess.

Sinikwat ni Mary Ann Maranon ng Victoria, Laguna ang gold medal sa girls’ singles badminton mula sa kanyang 21-12, 21-12 pananaig kontra sa kanyang doubles teammate na si Alyssa Geverjuan ng Calamba sa finals.

Nagtuwang naman sina Maranon, isang third-year high school sa Trace College-Los Baños, at Geverjuan para talunin sina Lucena City bets Marinalla Delos Santos at Ysabelle Diaz, 21-15, 21-15, sa girls’ doubles.

Umiskor naman ng ginto si Arman Joseph Manlalangit ng Sta. Rosa nang kunin ang 21-16, 16-21, 21-13 panalo kontra kay Jan Emilio Mangubat ng Victoria, Laguna sa boys’ singles.

Sa chess, nagsulong ng dalawang gintong medalya sina Chessers Ian Jasper Forcado, Kenneth Flores at Eric Robert Yap sa boys’ division ng team blitz at standard events.

Ang tatluhan naman nina Cristhina Ann Medenilla, Eula Djemarie Dela Cruz at Iris May Dela Cruz ang umangkin sa team girls’ standard.

Sa kabuuan, humakot ang Laguna, ang nagdedepensang national finals, ng 73 gold, 59 silver at 50 bronze medals kasunod ang Dasmariñas (25-29-18) at Calapan City (24-19-19).

Winalis ni Nezil Arj Me­rilles ang labanan sa boys’ individual blitz at standard, habang namayani ang girls’ blitz squad nina Shayxanthe Louis Guico, Cylliz Kaissa Merilles at Sofia Louise Ronquillo kontra sa Laguna.

Nakadiskubre naman ang Tayabas, Quezon at Puerto Princesa City ng mga potensyal na boksi­ngero nang sumuntok ng lima at apat na gintong medalya, ayon sa pagkakasunod.

Pinigil ni Eljay Loreto, isang second-year student sa Sicsican National High School, si Earl Jade Narez ng Quezon province sa 1:21 sa second round sa light paperweight finals, habang pinabagsak ni powder weight Warlito Tabat si Antipolo City bet Nixon Mendoza sa18 segundo sa first round.

Ang iba pang nanalo para sa Puerto Princesa ay sina paper weight Franklin Dela Cerna at lightfly Rex Dona.

Nanalo din sina Mevin Pines (kiddie), Mark Alias (vacuum) at Jonel Miranda (ant) para sa Tayabas sa school boys’ category.

 

vuukle comment

ALYSSA GEVERJUAN

ANTIPOLO CITY

ARMAN JOSEPH MANLALANGIT

CALAPAN CITY

CHESSERS IAN JASPER FORCADO

CRISTHINA ANN MEDENILLA

CYLLIZ KAISSA MERILLES

EARL JADE NAREZ

ELJAY LORETO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with