Sakaling matuloy ang kanilang laban sa Dec. 15 Donaire knockout lang ang magpapanalo vs Arce

MANILA, Philippines - Kung maitatakda ang kanilang banggaan ni Mexican Jorge Arce sa Dis­­yem­bre 15 sa Mexico City, ang knockout lamang ang magpapanalo kay unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr.

Ayon sa 29-anyos na si Donaire, ayaw niyang ibigay sa mga judges ang magiging resulta ng kanilang laban ng 33-anyos na si Arce.

“Kaya nga ayokong mapunta sa decision ang laban na ito kung matutuloy ito because alam mo naman sa Mexico at tsaka iba-iba ‘yung mga judges and alam mo naman ‘yung mga judges nadadala sila sa crowd,” ani Donaire kahapon sa PSA sports forum sa Shakey’s Malate.

Umiskor si Donaire ng isang ninth-round TKO win laban kay Japanese superstar Toshiaki ‘Speed King’ Nishioka noong nakaraang Linggo sa Home Depot Center sa California.

Si Arce sana ang nakalaban ni Donaire at hindi si Nishioka kundi lamang ito umatras dahil sa maliit na prize money.

Ibinabandera ni Donaire, matagumpay na naidepensa ang kanyang mga hawak na WBO at IBF super bantamweight titles laban kay Nishioka at nakuha din ang WBC Diamond super bantamweight crown at ang Ring Magazine belt, ang kanyang 30-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs.

Katulad ni Donaire, naghari na rin si Arce (61-6-2, 42 KOs) sa  flyweight, super flyweight, bantamweight at super bantamweight divisions.

“In terms of sheer aggressor, maybe siArce ‘yung the toughest. Alam mo naman ‘yung mga Me­xicano eh. They’re very tough and they don’t stop punching,” ani Donaire, hu­ling natalo sa isang Mexican, si Rosendo Sanchez, pitong taon na ang nakararaan.

Show comments