^

PSN Opinyon

Duterte hindi na Pangulo, huwag nang idolohin

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon
Duterte hindi na Pangulo, huwag nang idolohin

Hinambing ng isang ministro si Rodrigo Duterte kay Jesu­cristo. Kesyo raw umuulit ang kasaysayan: “Si Kristo noon inaresto ng ilegal, gawa-gawa ang kaso, sinungaling ang wit­­nesses, walang due process, presumed guilty, pinolitika ang kaso, at nililitis ng ibang bayan. Injustices na parang ginawa rin kay Digong.”

?Parang pang-disimula, dinagdag ng ministro: “Pero hindi dahil parang si Kristo si Digong, kundi parang si Pilato si Bong­bong, hugas-kamay. At parang mga Pariseyo, Romano, at Hudyo ang Kongreso, nagbibintang, ICC, at dumampot kay Digong.”

?Ang ministro ay dating opisyal ng Duterte admin. Ininsulto niya ang mga kapwa-Kristiyano. Dapat siyang ituwid.

?Si Duterte ang parang Pariseyo. Kinaladkad ng mga Pa­riseyo ang babae sa kalsada, inakusahan ng pakikiapid, at papatayin sana ng pagbato. Inawat sila ni Kristo na nagsabing, “Kung sino sa inyo ang walang kasalanan, siya ang unang bumato sa kaniya.”

?Paulit-ulit sinabihan ni Duterte ang mga sundalo na barilin sa ari ang mga rebeldeng babae. Ipagtatanggol daw niya sila sa korte kung manggahasa sila, pero hanggang tatlong beses lang. Nagyabang pa na siya dapat ang una sa pila nu’ng i-gangrape ng mga preso ang madre.

?Pontio Pilato rin si Duterte. Inutos sa pulis na pumatay ng drug suspects. Ngayon hugas-kamay. Kesyo wala raw siyang crimes against humanity, kaya palayain daw dapat ng International Criminal Court.

?Para siyang si Hudas. Nu’ng kampanya para Presidente, aniya sasakay siya ng jet ski patungong Spratlys, itatanim ang bandila ng Pilipinas, at sasabihan ang China, “Amin ito!”

?Hinudas ang mga botante. Tinawag niyang bobo ang mga naniwala sa kaniya. Naging sipsip kay Xi Jinping.

?Parang demonyo. Minura ang Pope dahil sa trapik. Sa mga Katoliko, ang Pope ay kinatawan ni Kristo sa lupa.

RODRIGO DUTERTE’S

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with