^

PSN Opinyon

‘Gov. Sol, todo aksyon sa cancer fight’

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGANDANG balita, mga ka-Laguna—hindi na kailangang mangamba nang todo ang mga pamilyang may laban sa cancer!

Sa pangunguna ni Sol Aragones, pormal nang binuksan ang AML Life-Care Chemotherapy Center sa Sta. Rosa City, isang modernong pasilidad na may “top of the line” na kagamitan at nagbibigay ng LIBRENG chemotherapy services para sa mga pasyenteng nangangailangan, lalo na ang mga kapos sa buhay.

Kasama sa paglulunsad sina Sta. Rosa Mayor Arlene Arcillas at mga katuwang mula sa sektor ng kalusugan na nagkakaisang ilapit ang dekalidad na gamutan sa masa. Layunin ng programang ito na tiyakin na ang bawat La­gunense ay may pagkakataong lumaban at manalo laban sa sakit walang maiiwan, walang mapag-iiwanan.

Hindi lang sa Sta. Rosa umiikot ang serbisyo. Sunud-sunod na ring binubuksan ang mga chemotherapy centers sa iba’t ibang bahagi ng probinsya. San Pablo District Hospital – Abril 28, Bay District Hospital Mayo 7, San Pedro, Calamba, at Biñan – paparating na at sa Sta. Cruz – kasalukuyan nang tumatanggap ng mga pasyente.

Sa ngayon, bukas na ang registration sa mga naturang­ pasilidad upang masigurong maayos at mabilis na ma­ibibigay ang serbisyo sa mga nangangailangan.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na plano para palakasin ang serbisyong pangkalusugan sa buong Laguna, hindi lang pagpapagamot, kundi pagbi­bigay ng pag-asa at bagong lakas ng loob sa bawat pamil­yang apektado ng cancer.

Serbisyong diretso sa tao. Walang paligoy-ligoy. Ramdam ang malasakit.

CANCER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with