Tinatamad ba kayo? Mag-stretch at ehersisyo

Maraming benepisyo ang ehersisyo. Nakapagbibigay ito ng sigla, saya at nagpapaganda ng daloy ng dugo sa kata­wan. Kaya kung tinatamad kayo o nalulungkot, baka kulang ka sa stretch at ehersisyo sa umaga.

Ituturo ko ngayon ang simple at ligtas na paraan para mag-ehersisyo. Magsimula ng dahan-dahan para maiwasan ang muscle strain (o pilay).

Sa pag-stretch ng masel ay hindi dapat makaramdam ng sobrang sakit. Ang pakiramdam mo lamang ay ang inu-unat ng masel. Malalaman mo ito sa katagalang pag-e-ehersisyo.

Heto ang simpleng payo ko:

1. Shoulder raise - Itaas ang kamay. Parang inaabot mo ang kisame. Kailangan ay ma-stretch mo ang buong braso at balikat paitaas. Gawin ito ng 5-10 beses lamang. Pakiramdaman mo ang pag-stretch ng iyong braso at balikat.

2. Shoulder shrugs – Galawin paikot-ikot ang iyong buong balikat. Ikut-ikotin ito para lumuwag ang masel sa balikat at sa leeg.

3. Neck stretch - I-stretch ang leeg. Dahan-dahang tumi­ngin sa kanan. I-stretch ang leeg ng 3-5 beses lamang. Pag­katapos ay tumingin naman sa kaliwa. Gamitin ang kamay para bahagyang itulak ang leeg. Pagkatapos ay tumingin naman sa itaas. Gawin ito ng 3 beses lamang. Huwag ito gawin ng sunud-sunod at baka ikaw ay mahilo. Ang maha­laga ay maramdaman mo ang pag-unat ng mga masel sa leeg.

4. Hip rotation - Ikutin ang baywang pakanan at paka­liwa. Habang nakatayo ka ng paharap, subukan mong ikutin ang baywang para makatingin sa likod. Umikot lang sa abot ng iyong makakaya. Gawin ito ng mga 3 beses sa umpisa. Sa katagalan ay puwede mo nang gawin ng hanggang 7 beses.

5. Walk in place - Ihakbang ang mga paa ng nakapuwesto sa isang lugar lamang. Parang sundalo ka na nag-ma-martsa. Itaas ang paa ng mga 1 feet habang hinahakbang ito. Gawin ito ng mga 30 segundo.

Sa katagalan ay dagdagan mo pa ng iba’t-ibang eher­sisyo. Kung kaya mo na, mainam din ang stomach crunch, stationary bike, push-up at half-squat.

Tandaan: Ang matinding ehersisyo (sa gym at work-out) ay hindi dapat araw-arawin. Dapat ay may isang araw ng pahinga sa pagitan ng iyong ehersisyo. Ito ay para maghilom at makapahinga ang masel.

Pero ang mga ehersisyo na itinuro ko ay puwedeng araw-arawin. Puwede ito gawin ng bata at matatanda.

Good luck po.

Show comments