^

PSN Opinyon

Cayton, babantayan ng mga Novo Vizcayano

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

TINALO ni Atty. Timothy Joseph Cayton si dating Gov. Ruth Padilla sa pagka-congressman ng Nueva Vizcaya.

Tinambakan niya ng 100,291 boto si Padilla na nakakuha lamang ng 57,482 boto. Landslide ang panalo ni Cayton.

Itinuturing na ang panalo ni Cayton ay bunga ng mga magagandang programang naipatupad niya sa Dupax del Norte kung saan, tatlong termino siyang nagsilbi.

Ilan sa mga ito ang local version ng social pension para sa mga senior citizens, tulong pinansiyal sa mga dating OFW, dating rebelde, solo parents, persons with disabilities, dialysis patients, magsasaka, kasambahay, drivers, lupon, tanod, Sangguniang Kabataan officials at purok leaders.

Nalaman ko rin na binibigyan din niya ng additional allowance ang public school teachers.

Kinilalang “Most Outstanding Mayor of the Philippines” si Cayton noong 2023 dahil sa mga kapaki-pakinabang na programa niya sa Dupax del Norte.

Umaasa ang mga Novo Vizcayano sa mahusay na paninilbihan ni Cayton bilang kongresista.

Mahigpit siyang babantayan ng mga Novo Vizcayano sa mga gagawin nitong paninilbihan sa lalawigan. Malaki ang ini-expect sa kanya.

Kapag nabigo si Cayton, tiyak na iwawaksi siya ng mga Novo Vizcayano gaya ng pagwaksi sa mga naunang nanungkulan na puro pangako at walang nagawa sa lalawigan.

* * *

Para sa komento, i-send sa: [email protected]

CONGRESSMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with