1-taong maka-kalikasan, better at matagumpay!

Isang taon na ang lumipas, at nandito tayo ngayon—mas matatag, mas masigasig, at better bilang isang komunidad.

Ang 2024 ay puno ng hamon, pero pinuno rin ito ng tagumpay. Sa bawat proyekto, bawat solusyon, at bawat pakikilahok ninyo, ipinakita nating muli kung bakit ang Makati ang standard pagdating sa green initiatives, public service, at good governance.

Unahin natin ang climate action. Noong nakaraang taon, gumawa tayo ng malalaking hakbang para gawing green at climate responsive ang ating lungsod. Pinalawak natin ang paggamit ng renewable energy sa mga pampublikong gusali.

Inayos at inimprove natin ang ating waste management systems para mas sustainable. Nagtayo rin tayo ng mga urban green spaces na hindi lang para sa kalikasan kundi para na rin sa mental well-being ng bawat Makatizen.

Pero higit sa lahat, ginawa nating relatable at “in” ang pagiging green. Ang bawat Makatizen, mula bata hanggang matanda, ay naging bahagi ng ating layunin na alagaan ang ating planeta.

Siyempre, hindi natin kinalimutan ang mga pangunahing pangangailangan ng bawat isa. Ang kalusugan ay nanatiling top priority—mas maraming health services ang naging accessible, mas mabilis ang pag-responde sa emergencies, at pinalakas natin ang mga programa para sa preventive healthcare.

Sa edukasyon naman, ipinagpatuloy natin ang pagbibigay ng gamit, e-learning tools sa mga estudyante, pati na rin ang scholarship programs para sa mga deserving na kabataan.

Pero hindi lang ‘yan! Ang Makati ay naging mas ­responsive sa pang-araw-araw na hamon—mula sa mas maayos na traffic management, mas epektibong flood control measures, at mas efficient na public services.

Ang lahat ng ito ay naging posible dahil sa ating masusing pagpaplano at transparency sa pamamahala.

Ang good governance ay hindi lang tungkol sa paggawa ng tama kundi sa paggawa ng nararapat para sa lahat.

Ngayon, sisimulan natin ang 2025 nang may bagong lakas at pananaw. Alam kong haharapin natin ang mara­ming pagsubok ngayong taon, ngunit naniniwala akong ang resilience ng Proud Makatizens ang ating magiging sandata.

Ipinakita na natin noon pa na sa bawat hamon, ang Makati ay laging bumabangon—hindi lang para sa sarili, kundi para sa isa’t isa.

Mga mahal kong Makatizens, patuloy tayong magsikap para gawing mas green, better, at mas maipagmamalaki ang ating lungsod. Sama-sama, abutin natin ang better Makati para sa susunod na mga henerasyon.

Show comments