BUKID AMARA: FARM TOURISM at SMART FARMING

Ngayon araw na ito ay ibabahagi ko sa inyo ang isang napakagandang farm na akin napuntahan sa Lucban Quezon na Farm Tourism at Smart Farming.

Ang akin tinutukoy ay ang Bukid Amara na pag-aari ni Michael Caballes na makikita sa Sitio Aramin 23, Barangay Malupak, Lucban Quezon.

Mistulang “Farm of Eden” sa ganda ang Bukid Amara na nasa foot slope ng majestic Mt. Banahaw.

Ang bundok ng Banahaw ay isa sa natitirang rain forest sa ating bansa.

Luntian, maaliwalas, tahimik at iyong makikita ang ganda ng kalikasan na bigay ng Panginoon o “beuty of nature” sa Bukid Amara.

Maraming aktibidad na puwedeng magawa ang mga bumibisita sa Bukid Amara. Ilan dito ay ang pagsakay ng balsa, mamingwit ng isda at fish feeding.

Istagramable ang bawat paligid at sulok sa Bukid Amara, maging ang kinalalagyan ng lagoon, kubo at mga tanim na edible flowers, vegetables, fruit bearing trees at mga green houses na may tanim na iba’t ibang uri ng halaman.

Kumpleto ang mode of farming sa Bukid Amara kaya naman dinarayo ng maraming bakasyunista na mahihilig sa halaman at “natures lover.”

Accredited ng Department of Tourism (DOT) Department of Agriculture (DA) at iba pang ahensiya ng pamahalaan ang Bukid Amara kaya naman marami ang nag-sa-sadya rito at hindi sila nawawalan ng guest dahil sa angkin na ganda.

Ayon kay Michael, lahat ng ginagawa sa Bukid Amara ay naka-program, mula sa pagtatanim hanggang sa pag-ani at pagbebenta ay may buyer na.

“This is a vegetables and flower farm that aims to redefine farm recreation and promote sustainable way of farming,” ani Michael.

Sa pagbisita ng Masaganang Buhay team sa Bukid Amara ay dinatnan naming hitik na hitik sa bunga ang kanilang mga tanim na red lady papaya.

Nasa isang kilo na ang laki ng mga bunga ng kanilang tanim na japanese melon habang kasalukuyan nang nagbubunga ang kanilang mga tanim na cherry tomato.

Continious harvest naman ng kanilang mga tanim na iba’t ibang variety ng lettuce at mga makukulay na edible flower.

Walang sinayang na space sa kabuuang dalawa at kalahating ektarya sa Bukid Ama-ra dahil lahat ay may tanim.

May concept din na Pick and Pay sa Bukid Amara.

Maraming estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad ang nag-On the Job Training (OJT) at grupo-grupo ang nagsasagawa ang educational tour sa Bukid Amara.

Ngayong Linggo, December 15, 2024 ay mapapanood ninyo ang interview at farm tour kay Michael Caballes sa kanilang farm sa TV Show ng Magsasakang Reporter na Masaganang Buhay.

Samantala, para sa iba pang tips at sikreto sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan ay maaari po kayong manood at makinig ng aking TV program na Masaganang Buhay tuwing Linggo, alas-7:00 hang-gang alas-8:00 ng umaga sa OnePH Cignal TV, Channel 1 ng TV-5. Mapapanood din sa RPTV, Facebook at Youtube.

Maaari din kayong manood at mag-subscribe at mag-follow sa aking Youtube Chan-nel na ANG MAGSASAKANG REPORTER at Facebook profile na Mer Layson at Facebook page na Ang Magsasakang Reporter, TV host Vlogger, Tiktok na Magsasakang Reporter para sa iba pang kaalaman at impormasyon sa pagtatanim ng iba’t ibang uri ng halaman sa pamamagitan ng organikong pamamaraan.

Tuwing araw ng Martes ay regular ninyong mababasa ang aking kolum dito sa Pilipino Star Ngayon (PSN) ng Star Media Group.

Nitong nakalipas na July 28, 2024 ay ginawaran ang Magsasakang Reporter bilang Asia’s Versatile and Promising Columnist on Agriculture of the year ng 9th Asia Pacific Luminares Award sa Heritage Hotel, Pasay City.

Sa mga tanong at komento ay maaari ninyo akong i-text, huwag po tawag, sa 09178675197. STAY SAFE, SALAMAT PO, HAPPY FARMING, GOD BLESS US ALL.

Show comments