Mga payo kung masakit ang balikat

1. Ipahinga ang balikat. Limitahan ang pagbubuhat ng mabibigat sa loob ng apat hanggang pitong araw.

2. Lagyan ang balikat ng cold pack sa loob ng dalawa hanggang tatlong araw, pagkatapos ay hot pack naman. Gumamit ng cold pack o towel na mayroong nakabalot na yelo na 15 hanggang 20 minuto kada oras para mabawasan ang pamamaga. Gawin ito kada oras. Pagkatapos ng dalawa o tatlong araw, kung ang sakit at pamamaga ay bumuti, maaari namang mag-apply ng hot packs o heating pad. Maaaring makatulong magpa-relax sa namamagang muscles. Limitahan ang pag-aaplay ng init sa loob ng 20 minutos lamang.

3. Gumamit ng mga over-the-counter na pain medication tulad ng pamahid sa kirot, at tableta tulad ng ibuprofen at paracetamol. Panandalian lang ang paggamit nito.

4. Mag-stretching. Pagkatapos ng isa o dalawang araw, gumawa ng mga magagaang exercise para mapanatili ang muscle ng balikat na maging malambot. Kung maaari ay palakasin ang iyong balikat. Kung hindi ito igagalaw maaari itong maging dahilan ng paninigas ng mga joints.

5. Maghintay hanggang sa mawala ang pananakit bago unti-unting bumalik sa mga gawain na naging dahilan ng pagkapinsala. Minsan, kailangan ng tatlo hanggang anim na linggo para tuluyang gumaling.

6. Suriin ang sports na ginagawa. Kung ang mga gawin gaya ng tennis, baseball, golf o iba pang sports ang dahilan ng pananakit, kinakailangang magpalit ng sports o kaya’y magpahinga.

Show comments