Isa sa mga tanggapan ng pamahalaan na nag-aasikaso sa mga bagay o usaping may kinalaman sa mga overseas Filipino workers ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na nasa ilalim ng Department of Migrant Workers. Maraming benepisyong nakukuha rito ang mga miyembro nitong OFW tulad ng sa edukasyon, kabuhayan, kaukulang mga pagsasanay, negosyo, pautang, scholarship para sa kanilang mga anak o dependent, insurance, medikal bukod sa mga ayuda para sa mga nakakaranas ng kagipitan sa ibang bansa, pag-uwi sa Pilipinas at iba pa. Maging ang kanilang mga pamilya ay nakakatanggap ng mga kaukulang benepisyo mula sa OWWA.
Kaya mahalaga rin sa mga OFW at kanilang pamilya na malaman ang lokasyon ng mga tanggapan ng OWWA at paano makokontak ang mga ito.
Madali na dapat nakokontak ang OWWA sa pamamagitan ng makabagong mga teknolohiya tulad ng sa internet, computer, smartphone at social media.
Karaniwan na rin ngayong nakakabit sa pangalan ng OWWA sa ibang mga bansang kinaroroonan ng mga OFW ang Migrant Workers Office na pumalit sa Philippine Overseas Labor Office o POLO. Maaaring tanungin ang embahada ng Pilipinas sa bansang kinaroroonan ng OFW hinggil sa lokasyon ng OWWA roon.
Sa internet, meron namang website ang OWWA (<https://owwa.gov.ph/> pero tila kapansin-pansin na hindi ito laging updated at hindi aktibo at kulang sa mga kailangang impormasyon tulad ng mga office address at contact details ng mga opisina nito sa Pilipinas at sa ibayong-dagat. Meron ding sinasabing official page ng OWWA sa Facebook na makikita sa pangalang “OWWA Overseas Workers Welfare Administration.” May nakasaad ditong mga phone number (02) 8917601, email address (owwacares@owwa.gov.ph) at office address (OWWA Center Building, FB Harrison corner 7th Street, Pasay City) at makakapagpadala ng message ang sino mang gustong makipag-ugnayan dito. Maaaring subukan ang Facebook page na ito kung merong kailangang itanong sa OWWA.
Sa bawat rehiyon sa Pilipinas ay may mga welfare office ang OWWA. Kailangan lang saliksikin ng mga OFW at ng kanilang pamilya ang kinaroroonan ng opisina ng OWWA sa tinitirhan nilang bayan, lungsod o probinsiya. Sa Metro Manila na kilala rin sa tawag na National Capital Region, ang opisina rito ng OWWA ay nasa second floor, STWLPC building, Gil Puyat Avenue, Pasay City. Malapit sa Harrison Street. Ito ay ayon sa website na <owwamember.com/OWWA-offices-philippines>. May email address na <psd-ncr@owwa.gov.ph> at <ncr@owwa.gov.ph>. May mga regional office na nagmamantini ng sarili nilang Facebook page.
Hindi ko isinama rito ang mga landline number o cellphone number dahil sa posibilidad na pana-panahong nagbabago ang mga ito.
Ang regional welfare office 4A ng OWWA (sumasakop sa Cavite, Laguna, Batangas, Quezon at Rizal) ay nasa Parian Commercial Center II, National Highway, Barangay Parian, Calamba City, Laguna bagaman meron itong satellite office sa bawat isa sa nabanggit na mga probinsiya. Makokontak din ito sa email address na <region4a@owwa.gov.ph>.
Sa Cordillera Administrative Region (Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Baguio City), ang opisina ng OWWA rito ay nasa 2nd flr. Gestdan Centrum Building, 80 Bokawkan Road, corner P. Burgos St., Baguio City. Ang email address ay <car@owwa.gov.ph>.
Ang Ilocos Region Office (OWWA RWO 1) na sumasaklaw sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan ay nasa 2nd flr. Kenny Plaza, Quezon Avenue, City of San Fernando, La Union at ang email address ay <region1@owwa.gov.ph>.
Ang OWWA Cagayan Valley Region Office (sumasaklaw sa Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino) sa 13 Dalan na Pavvulurun Reg, Carig Sur, Tuguegarao City at ang email address ay <region2@owwa.gov.ph>.
Ang OWWA sa Central Luzon ay nasa 4th Flr. Ascorp Building, Dolores Hi-way, San Fernando, Pampanga. Merong email address na <region3@owwa.gov.ph>. Saklaw nito ang Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Angeles, at Olongapo. Email address: <region3@owwa.gov.ph>.
Ang OWWA RWO 4b o MIMAROPA Region Office na sumasakop sa Mindoro, Marinduque, Romblon, at Palawan ay nasa 8 o 9/flr Marc 2000 Tower, 1973 Taft Avenue corner San Andres St., Malate, Manila.
Sa Bicol region, ang opisina ng OWWA RO5 ay mapupuntahan sa 3rd floor ANST Building, Washington Drive, Legaspi City at ang email address ay <region5@owwa.gov.ph>. Sakop nito ang mga lalawigan ng Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.
Sa Western Visayas, ang OWWA RWO 6 ay nasa Robinsons Land Corporation, Level 3-156 to 164A, Corner Quezon-deLeon St., Iloilo City. Ang email address ay <region6@owwa.gov.ph>. Hurisdiskyon nito ang Panay, Guimaras Island, Aklan, Antique, Capiz at Iloilo.
Mapupuntahan naman ang opisina ng OWWA sa Central Visayas sa DOLE 7 Building, Gorordo Avenue corner Gen. Maxillom, Cebu City. Email ang <region7@owwa.gov.ph>. Saklaw nito ang Cebu, Bohol, Cebu City, Lapu-Lapu at Mandaue.
Ang OWWA RWO 8 o opisina ng OWWA sa Eastern Visayas (Samar, Leyte at Biliran) ay nasa DOLE Compound, Trece Martirez St., Tacloban, Leyte. Email address: <region8@owwa.gov.ph>.
Mabibisita ang opisina ng OWWA sa Zamboanga Peninsula (RWO 9) sa 3rd flr Goodwill Center, Mayor Jaldon St., Canelar, Zamboanga City. Email- <region9@owwa.gov.ph>.
Sa region 10 o Northern Mindanao, ang opisina ng OWWA ay nasa Trinidad Building 2nd flr, Corrales-Yacapin Street, Cagayan de Oro City. Email- region10@owwa.gov.ph. Kasama rito ang Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Ortiental, Lanao del Norte, Cagayan de Oro.
Ang OWWA RWO 11 (Davao Region Office) ay nasa GB Cam Building Doors 31 E-G Monteverde Street, Davao City. Ang email ay <region11@owwa.gov.ph>. Saklaw nito ang Davao de Oro, Davao del Norte, Davao Del Sue, Davao Oriental, Davao Occidental at Davao City.
Sa Region 12 (Soccsksargen), ang opisina ng OWWA ay nasa Ilao Building, Judge Alba Street, Zone 3, Koronada;l City. Ang email address ay <region12@owwa.gov.ph>. Sakopa ang South Cotabato, Cotabato del Norte, Sultan Kudarat, Sarangani at General Santos.
Ang OWWA office sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao ay nasa 2nd flr Mags Audio Accessories Building, Quezon Avenue, Cotabato City. Email address ay <armm@owwa.gov.ph>. Saklaw nito ang Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Tawi-tawi.
Ang OWWA naman sa Caraga region ay nasa Nimfa Tiu Building II, J. P. Rosales Avenue, Butuan City. Ang email ay <caraga@owwa.gov.ph>.
Email- rmb2012x@gmail.com