IBA’T IBANG diskarte talaga ang pinapairal ng mga pulitiko para masungkit nila ang boto ng constituents nila. Hindi na tayo lalayo mga kosa dahil ang kapuna-punang ehemplo ay itong gimik ni Marikina City Mayor Marcy Teodoro. Pinirmahan kasi ni Teodoro ang isang ordinansa kung saan dinoble nito ang cash gifts ng mga senior citizen’s simula sa buwan na ito. Mula P1,000 magiging P2,000 na ito. Simple lang pro rock, no mga kosa? Abayyy sino ba namang senior citizens ang aayaw dito sa ordinansa ni Teodoro? Itong pitsa ay pandagdag din bilang pambili ng gamot o ‘maintenance” ng mga tanders o oldies, di ba mga kosa? Kaya’t itong ordinansa ni Teodoro ay hindi makakalimutan ng mga senior citizen’s ng Marikina City habang papalapit ang 2025 midterm elecitons. Mismooo! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Maganda naman ang timing nitong pinirmahan ni Teodoro na Ordinance No. 40 of 2024 na dinoble ang cash gifts ng mga senior citizens dahil hindi pa bawal ito kahit malapit na ang filing of certificate of candidacy sa Oktubre 8. Bawal lang ito kapag panahon na ng kampanyahan. Nakahirit pa si Teodoro no mga kosa? Pero alam n’yo naman mga kosa ang mga Pinoy ang pinangangalagahan ang matandang kinaugalian na ‘utang na loob.” Kaya’t malaking bagay itong doble cash gifts para maganyak ni Teodoro ang boto ng mga senior citizen’s. Get’s n’yo mga kosa? Mismooo!
Ayon sa talaan ng Office of the Senior Citizen’s Affairs (OSCA) ng City Hall, may 96,000 elderly citizens sa Marikina City, kabilang na sina kosang Paul Sison at kosang Jojo Pinga. Walang kokontra ha? Hamakin mo yun? Kung ang malaking bilang ng senior citizens ay tatanaw ng utang na loob kay Teodoro dahil sa dobleng cash gifts, abayyy malaking puhunan na ito. Get’s n’yo mga kosa? Subalit para kay Teodoro, ang P2,000 cash gifts ay “simpleng handog o cash gifts at pagkilala at pagpapahalaga sa naging role ng senior citizens sa paghubog ng siyudad.’ Dipugaaa! Ayon kay Teodoro, hindi lang mga senior citizens ang mabibigyan ng benepisyo ng cash gifts kundi maging kanilang loved ones dahil mapagaan na ang kanilang gastusin, lalo na sa gamot o maintenance. Sapol! Hehehe! Hindi lang ang boto ng mga senior citizens ang target ni Teodoro kundi maging ang kanilang kamag-anak. Ang sakit sa bangs nito!
Enter the dragon…este sumali pa ang senior citizen na si Vice Mayor Marion Andres sa pakulo ni Teodoro. “The gesture of granting (a double) birthday cash gift is a tangible expression of the city’s gratitude and appreciation for the elderly, fostering a sense of belonging and respect within the community,” ayon kay Andres. May sariling hakot na boto din itong si Andres kaya’t patok itong diskarte ni Teodoro. Eh di wow! Ayon kay Andres, kailangang may karagdagang financial support ang mga senior citizens, lalo na’t tumataas ang cost of living ng mga Pinoy. Aniya, karamihan sa hanay nila ay walang sapat o fixed income para suportahan ang pang-araw-araw na gastusin nila. Dipugaaaaa! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Ang P1,000 birthday cash gifts ng senior citizens sa Marikina City ay sinimulan noong 2016. Abangan!