Wala itong halong panunumbat. Walang mandato ang Vice President na sumaklolo sa mga kababayan nating biktima ng kalamidad. Pero komo ito ang ikalawang pinakamataas na pinuno ng bansa, dapat may konsensiya siyang ipadama ang kanyang malasakit at presensiya sa taumbayan.
Pero sa kasagsagan ng kalamidad, kasamang lumipad ni VP Sara Duterte ang pamilya sa isang personal trip sa Germany. Mismong Office of the VP ang kumumpirma nito.
Noong Vice President pa si Leni Robredo, laging dama ang kanyang personal na pagdamay sa mga sinalanta ng kalamidad. Ginagawa niya ito kahit pa binabatikos ng kanyang mga detractors na “ma-epal”. Lahat ng gawin ni Leni, mabuti man ang pakay ay iniimbentuhan ng pangit na issue.
Matindi at mala-Ondoy ang perwisyo ng bagyong Carina na sinabayan ng habagat. Pero imbes na isaisantabi ang politika at makipagtulungan sa operasyon ng pamahalaan sa kabutihan ng bayan, ipinakikita ng Duterte camp ang kawalan ng pakialam at todo hataw ang demolisyon sa administrasyon.
Ano’ng kabutihan ang maaasahan natin kung ibabalik sa poder ang mga iyan? Pulos personal na interes lang. Pagpapataba ng bulsa!
Noong magkaroon ng COVID pandemic, nagpasasa sa overpriced na halaga ng bakuna at kagamitang kailangan sa pagsugpo nito. Huwag kalimutan ang Pharmaly na dumenggoy ng bilyones sa kaban ng bayan.
Ang POGO na sinabi mismo ni Duterte na mabuti ay nag-operate bilang sindikato sa kidnap for ransom at online scam. Gising mga kababayan. Pigilan ang mga diyablong nais mamuno sa baya