^

PSN Opinyon

SIM cards pang-scam bakit naglipana pa rin?

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Isinabatas ang SIM Card Registration Act nu’ng Oct. 2022 para sugpuin ang cyber scamming. Inobliga nito irehistro lahat ng SIM cards sa pangalan ng may-aring indibidwal o grupo. Kapag ginamit ang SIM card sa panggagantso, huli agad ang may-ari. Ipinagmalaki yan ng National Tele­communications Commission.

Pero bakit naglipana pa rin ang cyber-scamming, usisa ni Senator Sherwin Gatchalian. Inehemplo niya ang mga illegal na POGO o Philippine Offshore Gaming Operators.

Tatlong malalaking POGO ang ni-raid ng awtoridad kama­kailan: Smartweb Technology Corp. sa Pasay City; Zun Yuan Technology, Bamban, Tarlac; at Lucky South 99, Porac­ at Angeles City, Pampanga.

Sa tatlong ‘yun, ginamit ang SIM cards para lansehin ang mga biktima na mamuhunan sa cryptocurrency, multi­level marketing at mga pekeng negosyo. Inamin ng mga empleyado sa cyber scamming na may quota sila na tig-5 milyon-18 milyon kada linggo. Kapag hindi nila nakamit ang quota, ginugulpi sila ng mga dayuhang POGO bosses.

PNA

Daan-daang milyong piso ang kinabig ng tatlo pa lang ­ sa cyber scamming. Tatlong daang illegal na POGO pa ang nang-raraket, ani Usec. Gilbert Cruz, Presidential Anti-Organized Crime Commission.

Ang SIM cards na nasabat sa Zun Yuan ay nakarehistro­ sa mga pekeng pangalan. Nalusutan ang NTC, ani Gatchalian.

Tama si Gatchalian. Walang ibang dapat sisihin dito kundi NTC. Naging pabaya ang ahensya sa pagpapatupad ng batas.

‘Yan ang problema sa gobyerno. Mahilig lang sa porma at poder ang mga pinuno. Wala namang alam. Ipinapasa ang mga trabaho sa tauhan. Wala ring alam. Nasasayang lang ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan. Sam­polan ang burukrasya: sipain ang mga taga-NTC.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

SAPOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with