HUDYAT na raw na “lines are drawn” sa pagitan ng administrasyon at kampo ng mga Duterte ang biglang pagbibitiw ni Vice President Sara sa Gabinete.
Noong Miyerkules, nagbitiw si Sara bilang Department of Education Secretary at vice chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa mga nakalipas na araw, mahahalata ang mga pahiwatig ni Sara na kailangan maging maganda pa rin.
Kailangang nakapagsusuot pa rin ng “two-piece” kahit na api-apihin pa.
Tahasan ding sinabi ni Sara na nabuwag na ang Unity Team na binuo noong 2022.
Yun daw ay para lang sa halalan at wala na nga ang sinasabing pagkakaisa ni Sara at Bongbong.
Heto na ngayon ang tanong.
Ano na at saan na patungo ang pulitika sa bayang minamahal natin?
Sabi nga na hudyat na raw na simula na ng lantarang bangayan sa pagitan ng dalawang dating magkakampi.
Ngayon ay magkatunggali na sila.
Abangan na lang natin ang susunod na kabanata.
At kung ano ang mangyayari sa sinasabing “two-piece” ni Sara.