May apat na paraan para mabilis kayong pumayat.
Narito ang mga iyon:
1. Magbawas ng matamis at starches (carbohydrates).
Bawasan ang carbohydrates tulad ng kanin, tinapay, noodles, kakanin at spaghetti. Bawasan din ang matatamis tulad ng softdrinks, iced tea, cakes at icing. Isa pang benepisyo ng pagbawas ng carbs ay pinabababa rin ang lebel ng insulin.
2. Kumain ng mas maraming protina.
Ang protina ay makukuha sa manok, isda, karneng baka at baboy. Puwede rin kumain ng 1-2 itlog kada araw. Ang kahalagahan ng protina ay mapapabilis ang metabolism at makatatanggal ng 80-100 calories bawat araw.
3. Kumain nang maraming gulay.
Sa gulay naman meron rin mababa ang carbs tulad ng broccoli, cauliflower, kamatis, kale, letsugas at pipino.
4. Mag-ehersisyo ng 3-4 beses kada linggo.
Subukan ang paglalakad, jogging at stretching. Puwede ring mag-gym at mag-weights kung gusto.