Sara binato ng tinapay

Matandang kawikaan na “kung binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay.”

Ito mismo ang ginawa ni Presidente Bongbong Marcos kay VP Sara Duterte kasunod ng paglahok ng huli sa mga anti-Marcos rally sa pangunguna ng ama niyang si dating President Duterte.

Kahit pa nagdamdam ang Unang Ginang Lisa Marcos­, sinabi ng Presidente na mananatiling Secretary of Edu­cation si Sara. Wala raw siyang problema sa performance ni Sara at hindi ito corrupt.

Marunong lumaro si Marcos, Jr. Ang mga Pilipino ay may puso at simpatiya sa mga underdog. Panay ang upak sa kanya ni Duterte at kanyang mga alagad tulad nina Roque, Panelo at Alvarez, sa pagtawag sa kanyang adik ngu­nit pina­lalampas lang ito ni Marcos at tuloy lang ang tra­­baho. Bugbog sarado rin si Marcos sa mga bayarang­ bloggers­ ni Duterte. Pero naniniwala naman akong marunong magsuri ang mga Pilipino kung sino ang nasa tama.

Ang kampo ni Duterte ang lumilitaw na aggressor sa away pulitikang ito at si Marcos ang maamong tupa na ang pakikipaglaban ay nakatuon sa pananakop ng China sa ating exclusive economic zone sa West Philippine Sea na malinaw na kumakampi pa si Duterte sa mga Intsik!

Pero kung ako si Sara,  kahit hindi ako sibakin ni Marcos ay kusa na akong magre-resign. Huwag mamangka sa da­la­wang ilog.

Show comments