Mga tip para ang bilbil ay lumiit

Marami sa atin ang may problema sa lumalaking bilbil, lalo na ‘pag nagkakaedad. Kung overweight o kulang sa ehersisyo, puwede rin lumaki ang bilbil. Ano ang ating magagawa para mapaliit ito?

Narito ang ilang tip para lumiit ang bilbil:

1. Uminom ng isang basong tubig bago kumain. Nakabubusog ang tubig at mas kaunti ang iyong makakakain.

2. Kumain ng mas madalas pero kaunti lamang. Ang isang saging o mansanas ay puwedeng pang-meryenda na.

3. Bawasan ang pagkain ng kanin. Kung dati-rati ay 2 tasang kanin, gawin na lang 1 tasang kanin.

4. Kumain ng mas mabagal. Kapag mabagal ka kumain, mas mararamdaman mo ang pagkabusog at mababawasan ang iyong makakain.

5. Mag-ehersisyo ng 3 hanggang 4 beses kada linggo. Su­bu­kang mag-aerobic exercise ng 30 minutos hanggang isang oras.

6. Palakasin ang masel sa tiyan. Mag-aral ng mga eher­sisyo para lumakas ang tiyan, tulad ng stomach crunches.

7. Magkaroon ng tamang tindig (posture). Huwag maging kuba sa pag-upo at pagtayo.

8. Umiwas sa matatamis na inumin tulad ng soft drinks, iced tea at juices. Nakatataba ito at nakakadagdag sa laki ng bilbil.

9. Kumain ng almusal araw-araw. Kapag hindi ka nag-almusal, mas gugutumin ka pagdating ng tanghalian at mapaparami ang iyong makakain.

10. Bawasan ang pag-inom ng alak at beer. Nakalalaki iyan ng bilbil.

11. Bawasan ang pagkain ng maaalat. Ang asin at alat ay nagdudulot ng pagmamanas ng katawan.

12. Kumain ng 2 tasang gulay at 2 tasang prutas araw-araw. Umiwas sa matataba at mamantikang pagkain.

13. Maglakad ng madalas at umakyat ng 1 o 2 palapag ng hagdanan.

14. Bawasan ang stress at matulog ng sapat.

15. Maging masipag. Ituloy lang ang mabuting pamumuhay at regular na ehersisyo para hindi lumaki ang bilbil.

Show comments