^

PSN Opinyon

Masaganang ani raw pero mahal ang bigas

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Pinakamasaganang ani ng palay sa kasaysayan nu’ng 2023, anang Department of Agriculture. Pumalo ito sa 20.06 milyon tonelada, kumpara sa 19.76 milyon nu’ng 2022 at 19.96 milyon nu’ng 2021.

Ang nabayo na bigas nu’ng 2023 ay 13.2 milyon tonelada. Kapos pa rin ‘yon sa kabuuang kain ng Pi­lipinas. Umangkat ang bansa ng 3.5 milyon tonelada pa mula Vietnam atbp. Sapat daw ang pinagsamang ‘yon sa konsumo ng mga Pilipino.

Kung sapat ‘yon, ito ang malaking tanong: bakit nagmahal ang bigas nu’ng Oktubre-Disyembre 2023? Pu­malo ito sa P50-P56 kada kilo nu’ng Pasko. At nu’ng Enero ay na­ging P70-P75 sa Bicol at iba pang rehiyon. Kara­niwan naman na mas malaki ang ani sa pa­nahong ‘yon ng tag-ulan kaysa tag-init na Abril-Hunyo.

Maraming dapat ga­­win ang DA. Una, tayain kung tama ang mga numero mula sa Philippine Statistics Authority. Kung mali-mali ‘yon, mamamali rin ang mga plano at targets ng ahensiya. Reresulta sa mara­ming magugutom.

Ikalawa, bantayan ng DA ang mga nagaganap sa pagpapalay. Ehemplo: nagtriple ang presyo ng pataba­ nu’ng 2023. Dahil wala namang tulong mula DA, binawasan ng mga magpapalay ang sinasakang pala­yan. Natural bumaba ang ani. Kaduda-duda ang ulat na 20.6 mil­yong toneladang ani ng palay.

Ikatlo, tiyakin ng DA mula sa Customs bureau ang bulto ng angkat na bigas. Da­lawang uri ‘yon: 10% basag na bigas, pang­benta sa palengke; 5% lang na basag, para sa restaurants. Dapat ‘yung angkat na pang­palengke lang ang ibi­lang ng DA para sa pangkalahatang kon­sumo. Sa ganun, ma­li­linaw kung sapat ang supply para maging mura.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

vuukle comment

DA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with