Maraming benepisyo ang monggo sa puso, utak at katawan. Hindi totoo ang kasabihan na bawal ito sa arthritis. Puwede itong kainin dahil masustansyang gulay ito.
1. Masustansya ang monggo sa lumalaking bata at sa matatanda din dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.
2. Bagay sa may diabetes at maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa monggo ay laban sa bad cholesterol.
3. Ang high fiber nito ay may cholecystokinin, para mabilis mabusog, mas konti ang makakain, kaya mas makakapagbawas ng timbang. Bagay din sa nagtitibi at may IBS o Irritable Bowel Syndrome na maganda sa tiyan at pagtunaw.
4. Puwedeng kainin ng maysakit sa atay dahil pinagkukunan ng protina, albumin at globulin, isoleucin, leucine, valine.
5. Puwede rin sa may sakit sa kidney kasi ang protina nito ay galing sa gulay at hindi sa karne.
6. Merong folate o folic acid ay dapat kakainin ng nanay na buntis para sa nervous system ng sanggol.
7. Maraming taglay na iron na nagdadala ng oxygen sa buong katawan at sa utak para focus at maganda ang memorya kaya bagay sa matanda, bata na nag-aral at anemic.
8. Kumain ng monggo sapagkat pampalakas ng immunity at may kakayahang makaligtas sa pagkakasakit.