^

PSN Opinyon

Huwag hadlangan ang hustisya

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Ano ba ang kinakailangan upang opisyal na mapatunayan ang Last Will and Testament ng isang tao? Ito ang sasa­­gutin sa kasong ito tungkol sa huling habilin ni Laura kung saan si Dino ang tinakdang tagapagpaganap (executor).

Bilang tagapagpaganap, nagsampa ng petisyon sa RTC si Dino upang opisyal na mapatunayan ang huling­ habilin ni Laura. Matapos matupad ang kinakailangan upang marinig ang petisyon, nagsampa ng oposisyon si Bella na siya raw ay anak ni Laura at ang tanging taga­pagmana niya at hiniling na dismisin ang petisyon dahil walang hurisdiksiyon ang korte kasi hindi nagbayad ng butaw (docket fee) si Dino. Kulang daw ang binayad ni Dino dahil ang halagang binigay niya sa ari-arian ay isang milyon lamang samantalang ito ay nagkakahalaga ng P6.5 milyon.

Ngunit ito’y hindi ginawad ng korte kaya’t inapila ni Bella ang desisyon sa Court of Appeals (CA). Pero dinismiss pa rin ng CA ang petisyon ni Bella. Tama ba ang CA at RTC?

Tama sabi ng Supreme Court (SC). Sa opisyal na pagpapatunay ng isang huling habilin, kailangan ang lantad­ na paglalathala sa diyaryo at personal na pag-abiso sa mga kinilalang tagapagmana ng testadora. Dito sa kaso nagkaroon ng kontrobersiya dahil ipinagpaliban ang pagdinig sa petisyon. Ito ay kinakailangan dahil ang opis­yal na pagpatuloy ng huling habilin ay isang proseso na ang mga aksiyon ay tungkol sa mga ari-arian at sakop ang buong mundo kaya sakop ito ng lahat ng taong may interes sa mga ari-arian. Dapat talagang maabisuhan o malaman nila ito.

Ito ay upang maganap at hindi mahadlangan ang hustisya. Kaya tama ang RTC at CA (Bollozos vs. Heirs of Luisa Abrio Vda. De Aguilar etc. G.R 194310, March 29, 2022.

vuukle comment

CA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with