ANG menopause ay ang permanenteng pagtatapos ng regla at fertility o kakayahang magbuntis.
Masasabing menopause ang babae kapag 12 buwan na nakalipas mula sa huling araw ng regla. Sa ibang kababaehan nangyayari ang menopause sa edad na 30s o 40s, habang sa iba naman ay 50s o 60s.
Ang menopause ay natural na proseso at hindi ito sakit. Ngunit ang pisikal at emosyonal na sintomas ng menopause ay maaaring makagambala sa iyong pagtulog, makapagpahina, at magdulot ng kalungkutan.
Tandaan na ang menopause ay hindi ibig sabihin na mababawasan ang iyong pagkababae at sekswalidad. Sa katunayan, maaari maging isa ka sa mga babaing puwedeng mag-enjoy ng pagtatalik na walang inaalala na baka mabuntis pa.
Ang senyales at sintomas ay nararamdaman kung palapit na ang menopause. Kabilang dito ang:
1. Iregular na buwanang daloy.
2. Nababawasan ang pagiging fertile.
3. Panunuyo ng puwerta.
4. Hot flashes o mainit na pakiramdam.
5. Nagagambala ang pagtulog.
6. Pabagu-bago ang mood o emosyon.
7. Lumalaki at tumataba sa tiyan.
***
Gamutan sa stress at nerbiyos
1. Relaxation Therapy—Ang relaxation therapy ay magagawa sa pamamagitan ng paghinga ng mabagal at malalim, pagmumuni-muni at pagpapalakas ng katawan.
2. Masahe—May mga pag-aaral na ang pagpapa-masahe ay nakatutulong para kontrolin ang stress at pagkabalisa sa pamamagitan ng pagpaparelax ng muscles at pagpapakalma ng iyong isip.
3. Aromatherapy—Ang aromatherapy ay ginagamitan ng langis na nagmumula sa iba’t ibang halaman para gamutin ang sakit. May paniniwala na ang compunds sa langis ay binubuhay ang ilang mga kemikal sa utak na mayroong pangpa-relax na epekto.
4. Art Therapy—Ang pag-drawing, painting, clay at sculpture ay makatutulong ipahayag ang mga saloobin at emosyon kung mahirap para sa kanila ang pag-usapan ito.
5. Music at pagkanta—Ang pakikinig sa musika, pagkanta at paglalaro ng musical instruments ay nakarerelaks at nagpapakalma.
6. Yoga—Ang regular na pagyo-yoga ay makatutulong bawasan ang pang araw-araw na stress at pagkabalisa. Kundalini yoga, isang klase ng yoga na napag-aralan para sa pagkabalisa, samahan ng pag-pose ng katawan at technique sa paghinga.