URONG-SULONG pala ang gambling financier na si Bicol Vice Mayor Ed Prades. Bakit?
Kasi matapos siyang magpaalam at magbigay go signal sa mga gambling lords sa Maynila na lalayas na sa negosyong sugal-lupa, abayyy biglang nagbago ang ihip ng hangin at babalik na naman siya. Sinabi ng mga kosa ko na kaya naman umurong si Prades ay matapos i-anunsiyo sa Camp Crame ang rigodon ng walong opisyal ng PNP at mukhang tatamaan ang kanyang padrino.
Kaya sa pagbabalik ni Prades si Capt. Kirk John Labares na gumagamit ng alyas na Capt. John Santos, ang pinakamasayang tao sa buong Metro Manila, di ba NCRPO intel chief Col. Romualdo Iglesia Sir? Hehehe! Weder-weder lang ‘yan, di ba mga kosa?
Kaya lang, itong reshuffle na isinusulong ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr ay na-hold dahil sa hinagpis ni Interior Sec. Benhur Abalos. Nais kasi ni Abalos na ang papel sa rigodon ay dadaan sa NAPOLCOM, kung saan siya rin ang chairman. Pero ang kumakalat na Marites sa Camp Crame, may opisyal lang na natamaan ng reshuffle na gusto ni Abalos na ma-retain. Hehehe!
Baka kilala ni Col. Iglesia kung sino ang police official na nag-file ng “motion for reconsideration?” Hehehe! Ayaw umalis ni Sir sa puwesto at mukhang nasarapan. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Halos isang linggo nang natengga ang rigodon at sa kasamaang palad ay na-take advantage ito ni Prades at ipinatawag ang mga gambling lords sa Maynila sabay panalangin na hindi maalis ang kanyang padrino. Ang masamang balita lang, wala namang order si Acorda na i-recall ang reshuffle, na ang ibig sabihin ay as is pa rin o hindi mababago ang order. Mismooooo! Get’s n’yo mga kosa? Hehehe!
Kaya konting hilot lang ‘yan at maaring ilabas na ang original na order at tiyak tatamaan ang sugal lupa ni Prades. Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?
Ang miting ni Prades ay ginanap sa isang restaurant sa Roxas Blvd, at sa mahigit 50 gambling lords sa Maynila, ang sumipot lang ay si Rovick Songco, na ang palaro ay loteng at EZ2. Kung si Prades ay mahilig mag-ramedrop ng pamilya ni President Bongbong Marcos, abayyy si Songco naman ay nagyabang na kaya niyang kausapin ang kapwa gambling lords para sa gambling financier na taga-Bicol na magpasok ng ingreso. Nais ni Songco na bigyan siya ni Prades ng 51 percent at gagawin siyang general kabo. Araguuyyy! Hehehe! Gusto rin palang sumikat ni Songco ‘no mga kosa? Kanya-kanyang gimik lang ‘yan! Dipugaaaaa!
May problema lang si Prades. Sa unang salpukan niya sa Maynila, ang binusog lang ni Prades sa lingguhang payola ay ang NCRPO at MPD. Tinakbuhan niya ang CIDG national, CIDG NCR, NBI, at GAB. Kaya ang kumakalat na Marites sa Metro Manila ay “hindi magandang kausap si Prades.” Hehehe! Makakabangon pa kaya si Prades?
Kung sabagay, itong topic ko ngayon ay patungkol lang sa sugal lupa ni Prades at hindi pa kasali ang Small Town Lottery na bubuksan din niya sa buwan na ito. Ibang isapan naman ‘yun! Mismooooo! Abangan!