1. Ipasuri kung tama ang blood test – Minsan ay nagkakamali ang mga laboratory sa blood test. Sigurado ka bang hindi ka kumain sa loob ng 10 oras bago kunan ng dugo? Huwag munang matakot. Subukan munang magdiyeta at mag-ehersisyo. Pagkatapos ng dalawang buwan, ipaulit ang blood test.
2. Kumain nang tama – Mahal ang gamutan sa kolesterol at posibleng may side effects pa. Dahil dito, piliting isaayos ang iyong pamumuhay bago maggamutan.
Kung sobra sa timbang, kailangang magpapayat. Kapag pumayat ng 5 pounds, bababa rin ang iyong kolesterol. Sa diyeta, subukan ang madalas na pagkain ng oatmeal, monggo, gulay at isda. Iwasan ang cakes, pastries, croissant, ensaymada, mantikilya, cookies at iba pang mamantikang pagkain.
3. Mag-ehersisyo – Mag-ehersisyo ng tatlo hanggang limang beses kada linggo. Gawin ito ng 30 minutos hanggang isang oras. Malaki ang maitutulong ng ehersisyo sa pagbaba ng kolesterol.
4. Subukan ang natural na gamutan – Ang pagkain ng bawang ay puwedeng makababa ng kolesterol ng 9 to 12%. Ang pag-inom din ng omega-3 fish oil supplements ay nakabababa ng triglyceride levels, isang klase ng taba sa dugo.
5. Gamot sa kolesterol – Kung pagkaraan ng dalawang buwan na pagdidiyeta ay mataas pa rin ang kolesterol, puwede nang mag-umpisa uminom ng maintenance na gamot. Ito ay ang mga generic na Simvastatin, Atorvastatin o Rosuvastatin. Mayroon nang mga murang gamot sa generics na botika.