Napakasustansiya ng nilagang kamote  

MARAMING makukuhang sustansiya sa kamote. Mabuti ito para sa puso, mata, tiyan, may diabetes at sa mga nag­papapayat. Mura ito at mabibili sa lahat ng panahon.

Narito ang mga benepisyo ng kamote:

1. May beta carotene o provitamin A para sa mata, puso, pagbabara ng ugat at kakulangan ng daloy ng dugo sa mga ugat ng puso at ulo, at sa immunity.

2. Nababagay ang kamote sa may diabetes dahil mababa sa glycemic index kaya dahan-dahang magpataas ng asukal sa dugo. Puwede sa mga atleta, may mabigat na trabaho o nagpapagaling na may sakit.

3. Ang kamote ay bagay sa nagpapapayat dahil mababa sa calories, matagal na busog kaya hindi makakakain nang marami.

4. Merong protease inhibitor na maaring makatulong sa pag-iwas ng kanser.

5. Merong iron at vitamin C pinagsama na sa isang gulay.

6. Sa may kidneys stones, may calcium oxalate ang kamote kaya ingat na huwag maraming kainin.

7. Maganda sa tiyan ang kamote dahil tumutulong sa pagbuhay ng healthy bacteria tulad ng Bifidobacterium at Lactobacillus na bagay sa makulo ang tiyan at pagtatae.

Show comments