Bahay ko ligtas ba kontra-lindol (2)

(1) SINONG nagtayo o disenyo ng tirahan ko?

Lisensiyadong inhinyero o arkitekto ba? Hindi malinaw o alam.

(2) Gaano katanda ang tirahan ko? Tinayo makalipas ang 1992. Bago mag-1992. Hindi malinaw o alam.

(3) Nasira na ba ito ng lindol o ibang sakuna? Hindi/Oo pero inayos. Oo, hindi inayos. Hindi malinaw o alam.

(4) Ano ang hugis ng tirahan? Regular (symmetrical­, kuwadrado, box-type). Irregular/kumplikado. Hindi malinaw­ o alam.

(5) Nilakihan/hinabaan ba ang tirahan? Hindi/Oo sa ilalim ng inhinyero/arkitekto. Oo, kami-kami lang. Hindi malinaw o alam.

(6) Ang external walls ba ay concrete hollow blocks na 6 in./150 mm? Oo. Hindi, manipis pa. Hindi malinaw o alam.

(7) Standard 10 mm ba ang steel bars sa pader? Oo. Hindi, konti at manipis sa 10 mm. Hindi malinaw o alam.

(8) May pader bang walang suporta na 3 metro lapad? Wala, lahat nang walang suporta ay maikli sa 3 metro. Oo, isa o mahigit ang walang suporta na 3 metro. Hindi malinaw o alam.

(9) Anong gawa ng kabalyete (gable)? Magaang materyales, nakaangkla sa CHB, walang gable walls. Hindi nakaangklang CHBs, bricks, bato. Hindi malinaw o alam.

(10) Ano ang pundasyon? Reinforced concrete. Bato, unreinforced concrete. Hindi malinaw o alam.

(11) Ano’ng lupa sa ilalim? Matigas, bato, matatag. Ma­lambot, maputik, reclaimed. Hindi malinaw o alam.

(12) Ano’ng pangkalahatang kondisyon ng tirahan? Mabuti. Masama. Hindi malinaw o alam.

Score: 1 point sa bawat unang sagot; 0 sa pangalawa o pangatlo. Sumahin: 11-12, bagamat ligtas sa ngayon, kumunsulta ng eksperto. 8-10, kailangang patatagin, kumunsulta. 0-7, nakababahala, kumunsulta agad.

Show comments