^

PSN Opinyon

Kahit wala ang misis

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Kung ang asunto ay tungkol sa lupa na conjugal property ng mag-asawa, uubra kaya na isa lang ang pumirma sa reklamo o isa lang sa kanila ang magtanggol sa kaso? Ito ang tanong na sasagutin sa kaso ng mag-asawang Manuel at Martha.

Ang pagmamay-ari ng lupa na kanugnog ng dagat ay hinahabol ng mag-asawa dahil simula pa raw ay sila na ang nakapuwesto rito. Pero kinasuhan sila ni Conrado at pinaratangan na umuupa lang sila sa lupa. Bandang huli, naglabas ng desisyon ang korte pabor kay Conrado at inutos kina Manuel at Martha na kusa nilang lisanin ang lupa maliban sa pampang na reclaimed lang mula sa dalampasigan.

Nang maging pinal ang desisyon, naglabas ng writ of demolition ang korte laban kina Manuel at Martha. Nagsampa naman ang mag-asawa ng petisyon sa Court of Appeals at pinaratangan ang sheriff na inaabuso raw nito ang kapangyarihan sa pagpapatupad ng demolisyon.

Sa petisyon, si Manuel lang ang pumirma sa certificate of non-forum shopping kung saan nakasaad na walang ibang kasong nakabinbin sa ibang korte na sangkot ang parehong isyu. Importante ito bago lumakad ang petisyon.

Kinuwestiyon ni Conrado ang petisyon at umakyat sa Court of Appeals para hingin na huwag itong pagbigyan ng hukuman. Ayon sa lalaki, itinuturing na conjugal pro­perty ang hinahabol na lupa kaya dapat ay hindi lang si Manuel kundi pati si Martha ay dapat din na nakapirma sa petisyon. Depektibo raw ang petisyon dahil si Manuel lang ang nakapirma. Tama ba si Conrado?

MALI. Sumunod naman sa alituntunin tungkol sa no-forum shopping ang sertipikasyon na pinirmahan ni Manuel. Oo nga at dalawa dapat ang magsumite ng petisyon bilang mag-asawa pero sapat na ang pinirmahan ni Manuel. Sa ating batas (New Civil Code/Family Code) ay sapat na ang pirma ng mister lalo kung ang pinag-uusapan ay conjugal property.

Sa ilalim ng Family Code, ang administrasyon ng conjugal property ay magkatuwang na responsibilidad ng mister at misis. Pero hindi tulad sa pagbebenta o pagsasangla, ang pag-aasikaso nito ay hindi naman kailangan na sabay na gampanan nila bilang mag-asawa. Ang bawat isa sa kanila ay maaaring kumilos at gawin ang lahat ng abot ng kanilang kapangyarihan maliban na lang kung makialam ang korte dahil hindi pumayag ang isa sa kanila, halimbawa ay kung kontra si misis sa gusto ni mister.

Sa ilalim din ng Family Code, puwedeng magsampa ng petisyon (petition for certiorari and prohibition) ang lalaki na hindi na kailangan na kasama pa ang asawa niya sa asunto.

Isa pa, maipapalagay na personal na alam ng misis ang pagsasampa o hindi pagsasampa ng kaso ng kanyang mister dahil ang sangkot dito ay conjugal property nila. Sapat na pagsunod na sa patakaran ang sertipikasyon na ginawa ng mister (Docena vs. Lapesura, 355 SCRA 658).

MISIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with