ANG sinusitis ay nangyayari kapag ang paligid ng daanan ng ilong (sinuses) ay namamaga. Ang pamamaga nito ay nagpapasarado sa daanan, kaya mahirap para sa sinuses na maalis ang nakabara. Ang sakit nito ay nagreresulta para mamaga kapag ang sipon ay nabuo rito.
Ang sintomas nito ay ang pananakit sa palibot ng mata o pisngi, pagbabara ng ilong, dahilan para mahirapang huminga sa ilong, dilaw o berdeng uhog sa ilong o pababa sa iyong lalamunan.
Ang Acute sinusitis ay kadalasang dahilan ng sipon. Ang matagalang sinusitis ay maaaring dahil sa impeksyon, allergy, nasal polyps o deviated septum.
Payo sa sinusitis at sipon:
1. Mag-apply ng warm compress. Ilagay ang mainit-init na basang towel sa ilong, mukha, at mata para mawala ang sakit.
2. Uminom nang maraming tubig o iba pang inumin. Ang tubig ay nakatutulong para palabnawin ang sipon at lumuwag ang mga daluyan nito. Iwasang uminom ng kape at alak, dahil ito ay nakapagpapanuyo.
3. I-steam ang sinuses. Ito ay makatutulong mawala ang sakit at matanggal ang plema. Talukbungan ng towel ang iyong ulo at maingat na langhapin ang singaw ng tubig mula sa palangganang mayroong pinakulong tubig. Panatilihin na ang singaw nito ay direkta sa iyong mukha. O kaya ay maligo ng mainit na tubig at langhapin ang basang singaw nito.
4. Magkaroon ng sapat na pahinga. Ito ay makatutulong sa iyong katawan para labanan ang impeksyon at mabilis na gumaling.
5. Matulog na nakaangat ang ulo. Ito ay makatutulong para ang iyong sinuses ay lumuwag.
6. Nasal lavage. Ito ay paghuhugas sa daanan ng ilong (lavage) at pinalalabas nito ang sobrang sipon at dumi at nakatutulong din para mabawasan ang pamamaga ng sinuses. Ang lavage ay parang bombilyang syringe o neti pot.
7. Mag-ingat sa mga decongestant nasal spray. Ang decongestant nasal spray ay nakatutulong para lumuwag ang daluyan ng sipon, ngunit maaari mo lamang itong gamitin 1 beses sa 1 araw sa maikling panahon na hanggang 3 araw lamang.
Kumunsulta sa iyong doktor kung ang sintomas ay walang pagbabago pagkalipas ng ilang araw o kung ito ay lumala pa, o kung mayroong history ng pabalik-balik o malalang sinusitis. Kung ang iyong sinusitis ay resulta ng impeksyon dahil sa bakterya, ang iyong doktor ay maaaring magreseta ng iniinom na antibiotic o iba pang gamot.
* * *
Bakit nagkakatagihawat?
Ang mga nagkakatagihawat, whiteheads at blackheads ay teenagers, umiinom ng oral contraceptive pills, buntis o bago mag-menopause at yung may lahi nang maraming pimples.
Maaaring makaiwas sa tagihawat kung susundin ang mga sumusunod:
1. Palitan ang oil-based make-up ng water based or oil free make-up.
2. Maghilamos maigi sa gabi gamit ang mild soap at tubig at bago maglagay ng gamot sa pimples.
3. Sa paglalagay ng mga gamot sa tagihawat tulad ng benzoyl peroxide, ilagay sa mismong tagihawat at sa paligid nito lamang at huwag ikalat. Simula sa mababang strength ay unti-unting itaas ang strength kapag hindi mapuksa.
4. Kapag meron mga gamot para sa tagihawat, iwasan ang magpaaraw.
5. Subukang ihilamos sa umaga at sa gabi ang malamig na chamomile tea para ma-improve ang pores ng kutis.
6. Ang paglagay ng make-up sa tagihawat ay gawing foundation muna tapos powder tapos foundation ulit.