Ang maitim na labi ay dahil sa ultraviolet rays ng araw, paninigarilyo, pag-inom ng mga may kulay na inumin tulad ng kape, tsaa, o kaya naman ay nasa lahi.
Narito ang tips para pumuti, maging pink o maging mapula ang mga labi:
1. Asukal at butter scrub—Ang asukal ay exfoliant, para tanggalin ang dead cells sa ibabaw ng labi. Ang butter naman ay para mag-oil sa lips. Gumawa ng asukal at butter paste: Paghaluin ang isa at kalahating kutsarita ng asukal at isang kutsarita ng butter. I-scrub sa labi tapos ay banlawan at lagyan ng lip balm. Kapag walang butter puwedeng ipalit ang langis ng niyog. Gawin ng dalawa o tatlong beses kada linggo.
2. Kalamansi o lemon—Ang mga ito ay mayroong natural na bleaching o pampaputi ng labi at dark spots. Pigain at i-masahe ang juice sa labi bago matulog. Lagyan ng tubig para hindi masyadong matapang.
3. Honey—Puwede ring lagyan ng honey ang labi tuwing gabi. Patuyuin at hayaan lang ito magdamag.
4. Langis ng niyog scrub—Natatanggal nito ang maiitim na patse sa mga labi, nakapagpapalambot at nagbibigay ng pink o pulang kulay sa mga labi.