KALMADO na dapat ang madlang Pinoy na sumuporta sa iba’t-ibang mga politikong tumakbo last Monday.
Bakit?
Tapos na ang eleksyon!
Sabi nga, sa mga nananalo congratulations at sa mga natalo better luck next time.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kailangang magkaisa ang madlang Pinoy at maging matatag ang mga ito lalo’t bagsak ang ating ekonomiya.
Ika nga, marami ang nagugutom at naghihirap!
Ito ngayon ang dapat pagtuunan ng pansin ng mga bagong nakaupo sa gobyerno ang tulungan at gawan nang maayos na paraan kung paano sila makakagalaw sa kahirapan.
Kambiyo issue, mapayapa ang pangkalahatan 2022 national at local elections sa Philippines my Philippines kung mayroon man problemang nangyari ito ay minimal lang.
Sabi nga, hindi malala!
“Mabibilang sa daliri ang mga nangyaring insidente sa iba’t ibang lugar sa Philippines my Philippines pero ang mga ito ay under controlled ng ating mga awtoridad,’’ sabi ng kuwagong mapagsamantala.
Ang mga naiulat na insidente ay ang nangyari sa Buluan, Maguindanao dahil may mga pinagbabaril ang mga hindi pa nakilalang mga kalalakihan
Ikinatuwa ng madlang voters na mabilis ang naging resulta ng eleksyon wala pang hatinggabi ay kita ng madlang Pinoy ang trend ng mga nanalong kandidato at ang nahuling 12 supporters umano ng isang kandidato sa Surigao del Norte.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sana magkaisa ang madlang Pinoy at suportahan ang bagong gobyerno para umangat ang ating ekonomiya sa lalong madaling panahon.
Abangan.