^

PSN Opinyon

Seguridad sa halalan, sisiw sa PNP!—Eleazar

DIPUGA - by Non Alquitran and Pia Lee-Brago - Pilipino Star Ngayon

Maagang naglatag ang Philippine National Police ng seguridad ng May elections kaya malaki ang paniwala ni ex-PNP chief Guillermo Eleazar na magiging orderly at peaceful ang halalan. Ma-extend man o hindi ang termino ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na magreretiro sa May 8, panatag ang loob ni Eleazar na kayang-kaya ng kapulisan na gampanan ang kanilang trabaho come election day.

“As early as May last year when I assumed the Chief PNP post, inilatag na namin ang election security preparations for the PNP to have enough time to ensure the peaceful and honest conduct of elections,” said Eleazar. Si Carlos nang panahon na ‘yaon ay Chief of Directorial Staff (CDS) ng PNP o No. 4 man ng police organization at ang trabaho n’ya ay mag-coordinate, supervise, and i-direct ang top officials ng PNP sa kanilang trabaho sa election.

“That was the time that we updated the list of private armed groups and in fact, this resulted in the arrest and neutralization of some of them,” ani Eleazar. “Kasama rin sa paghahandang ito ang aggressive campaign against loose firearms na siyang pangunahing instrumento sa election-related violence,” ang dagdag pa ni Eleazar. Mismooooo! Hak hak hak! Kung sabagay, inamin naman ni Gen. Carlos na si Eleazar ang nagsimula ng preparasyon para sa May elections. Dipugaaaaa!

Habang palapit na ang halalan, iniulat naman ni PNP spokeperson Col. Jean Fajardo na may halos 20 private armed groups (PAGs), karamihan nito ay nakabase sa Bangsamoro Autonomous Region (BAR), ang nalansag na ng kapulisan  “More or less nasa 20 na yung ating na-dismantle, na-disband, at na-delist po doon sa listahan natin ng mga private armed groups,” ani Fajardo.

“Some of them were members of the local terrorist groups moonlighting as private goons of local politicians during election period,” aniya. Base sa imbestigasyon ng PNP, itong PAGs ay sumusuweldo sa mga pulitiko. Kumakalap pa ng ebidensiya ang PNP para kasuhan ang mga pulitiko na nag-eemploy ng PAGs, ang dagdag pa ni Fajardo.

Sinabi ni Fajardo na may tatlo pang aktibong PAGs at kasalukuyang tinatrabaho ng National Task Force for the Disbandment of Private Armed Group (NTF-DPAGs) para mabura sila sa listahan. Kung sabagay, kapartner ng Armed Forces of the Philippines ang PNP para sa seguridad ng May elections nitong 2021 pa. Mismooooo! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa. Dipugaaaaaa!

Idinagdag pa ni Eleazar na matagal nang trabaho ng PNP ang pagbantay ng elections kaya’t sinisiguro niyang ang experience nila ang magtutulak para magiging peaceful at orderly ang political exercise.“Nakalatag na ang mga gagawin at kailangan na lang sa ngayon ay supervision at monitoring ng implementation. Laging kasama ang PNP sa election security duties and we are also banking on that experience para maging maayos ang halalan,” ani Eleazar. Dipugaaaaa! Abangan!

ELECTION

PNP CHIEF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with