^

PSN Opinyon

Kasal ng katutubo (Unang bahagi)  

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

KASO ito tungkol sa pagpapakasal sa ikalawang beses. Ang isyu ay kung puwedeng lusawin sa pamamagitan ng diborsiyo ang isang kasal na ginanap alinsunod sa relihiyon ng tribu nila. Ito ang kaso nina Lito at Lita.

Sina Lito at Lita ay ikinasal ayon sa  tradisyon ng tribu ng mga Ibaloi kung saan sila nabibilang. Mayroon silang tatlong anak, sina Ana, Minda at Mario. Matapos ang limang taon na pagsasama ay nalaman ng konseho ng tribu ang tungkol sa pagkabaliw ni Lita. Inaprubahan nila ang pagdiborsiyo ng mag-asawa at pumayag sa muling­ pagpapakasal. Kaya pagkatapos ng limang taon ay nag­pakasal muli si Lito sa kapwa katribu, si Pacing, alinsunod sa tradisyon ng Ibaloi. Nagkaroon sila ng walong anak, Lani, Ted, Nina, Tita, Pinang, Riza, Wilma at Rose.

Matapos ang 52 taon na pagsasama, namatay si Lito. Si Ana, Minda at Mario ay nagsampa ng petisyon (judicial partition of intestate estate) para maayos ang kanyang naiwang ari-arian. Ang ginawa nilang kalaban sa kaso ay ang mga kapatid nila sa ama na sina Tita, Pinang, Riza, Wilma at Rose. Ayon sa kanila ay nakuha ng mag-asa­wang Lito at Lita ang lupang sakop ng titulo bilang (TCT) T-54571 noong sila ay nagsasama pa. Pero nang ilabas ang titulo ay kasal na ang lalaki kay Pacing pero ang totoo ay hindi pa lusaw ang naunang kasal nila ni Lita. Mga bastardong anak lang daw ang kanilang mga kapatid sa ama.

Ayon sa MCTC, legal na nalusaw ang kasal nina Lito at Lita alinsunod sa tradisyon ng mga Ibaloi. Kaya sina Tita, Pinang, Wilma at Rose ay mga lehitimong anak pati na ang apat pa nilang kapatid. Nararapat lang daw na pantay ang maging hati nila sa mana.

Pero ayon sa RTC ay walang bisa ang pangalawang kasal nina Lito at Pacing kaya ilehitimong anak lang daw sina Tita, Pinang, Wilma, Rosa at ang apat nilang kapatid. Hindi raw uubra na mas pairalin pa ang tradisyon at naka­gawian kumpara sa umiiral natin na batas.

Sa ilalim ng Civil Code ay malulusaw lang daw ang kasal kapag namatay na ang isa sa mag-asawa o kung ipawalang-bisa ang kasal. Ito ay totoo sa Art.78 ng lumang Civil Code. Sa dating batas daw, kinikilala ang kasal na ginaganap ayon sa mga ritwal ng lumang kultura. Pero ang limitadong kinikilala lang daw sa ating batas ay ang pagpapakasal at hindi ang paglusaw sa kasal. Kaya hindi raw puwedeng kilalanin ang diborsyo na kinuha ni Lito. Kina­tigan ng CA ang desisyon ng RTC. (Itutuloy)

vuukle comment

KASAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with