Daming local officials umanib sa Pink Movement – Drilon
IBINIDA ni Sen. Franklin Drilon na sangkaterbang local officials ang nagbigay ng suporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo matapos tumaas ang survey ratings nito last March. “This increase in survey ratings is backed up by actual warm bodies on the ground,” sabi ni Drilon.
Ang pinakahuling survey ng Pulse Asia ay nagpapakita na si VP Leni ay nakakuha ng napakalaking siyam na porsiyento, mula 15% noong Pebrero hanggang 25% noong Marso.
“Marami ang nagugulantang at nakikita naman natin ‘yung dami ng tao sa political rallies niya. Sa tingin ko mas maraming lokal na opisyal ang makikinig sa sinasabi sa kanila ng kanilang budhi at mga nasasakupan, at iyon ay upang makasunod sa isang kandidato na nakikibahagi sa usapan at ang pinakaprinsipyo sa mga tumatakbo. Gagawin nila ito nang walang quid pro quo. “At iyon ay hindi mabibili ng salapi,” anito.
Ibinandera ni Drilon, na ang “Pink Movement” ay snowballing, at ang mga halal na opisyal ay mararamdaman ang pag-ikot ng tubig sa paglabas ng bagong survey ng Pulse Asia. Ipinaliwanag niya na ang “pivot” sa Robredo-Pangilinan camp ng daan-daang maimpluwensiyang opisyal sa mga rehiyon ay boluntaryo sa kanilang bahagi.
Sabi nga, ang mutual meeting of the minds was not a product of the traditional political transaction.
Tirada ni Drilon, walang exchange deal, ang pangako lamang na ang isang Robredo presidency ay lalaban para sa bayan at magbibigay sa ating mga anak ng magandang kinabukasan. Pinagtawanan ni Drilon ang fake news na gawa ng troll na ang kampo ni Robredo ay nagbitbit ng suportang pinansiyal upang maakit ang mga halal na lokal na opisyal na lumipat ng katapatan.
Sinabi niya na ang Robredo-Pangilinan campaign ay volunteer-driven, everybody chips in. Banat pa ni Drilon, hindi ang kampanya ni Robredo ang nakaupo sa bundok ng ginto.
Ano sa tingin ninyo?
Abangan.
- Latest