^

PSN Opinyon

Ganti ni misis (Part 1)  

IKAW AT ANG BATAS - Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

LABING-APAT na taon nang kasal sina Naty at Ray. May­roon silang dalawang anak na edad 13-anyos at 8-anyos. Si Naty ay empleyado sa banko habang kapitan naman sa barko si Ray na may suweldong $6,500.00. Sa kanilang pagsasama ay nakabili sila ng mga ari-arian sa siyudad pati isang condo unit sa California, USA. Madalas mag-away ang mag-asawa kahit sa mga simpleng bagay lalo noong buntis si Naty.

Ang lalong ikinagagalit ni Ray ay ang pagsagot ni Naty at pagpapahayag ng opinyon. Pinaratangan din ni Ray si Naty na may ibang lalaki at madalas magselos kahit walang basehan. Tumindi ang away nila hanggang sa pala­yasin ni Ray ang mag-iina at pinapunta na lang sa bahay ng ina ni Naty. Pinahiya rin ni Ray si Naty sa publiko at sinabihan na “maghiwalay na tayo” sa harap ng mga ka­opisina nito sabay siya pa ang naghamon na ipawalambisa ang kasal nila.

Ang matindi pa ay ginastos lang ni Ray sa kanyang kabit ang naitabi nilang pera. Ang buwanang sustento na $4,500.00 ay ginawang $2,500.00 na lang ni Ray pati itinigil na rin niya ang pagdalaw sa mga bata. Ilang beses­ na sinubukan ni Naty na kausapin ang mister pero walang nangyari. Pati ang biyenan niyang babae ay nilapitan niya para humingi ng tulong pero ayaw nitong makialam. Sa pag-abandona sa kanila, nakaranas ng sikolohikal at emosyonal na pang-aabuso si Naty.

Nagsampa si Naty ng petisyon sa RTC para humingi ng P120,000.00 na sustento mula sa suweldo ni Ray na  pinapadala ng amo nito kada buwan. Pabor ang RTC at nagbigay ng TPO kay Naty na may bisa sa loob ng 30 araw na puwede ulit palawigin kada 30 araw hanggang magkaroon ng desisyon sa kaso. Pinalayo rin si Ray mula kay Naty sa distansiya na 200 metro para maiwasan ang muling pamamahiya ng lalaki sa kanya sa publiko. Binigyan ng limang araw ng korte si Ray para sagutin ang reklamo.

Ilang beses na sinubukan ng sheriff ng korte na personal ibigay kay Ray ang summons at TPO tungkol sa kaso. Pati sa amo nito ay nagpunta ang sheriff pero walang nangyari. Isang buwan ang nakalipas ay saka sumulpot si Atty. Larry Primero bilang abogado ni Ray at tinanggap ang mga kopya.

Dalawang buwan pa mula sa pagtanggap ng mga abiso ay saka nagpadala ng oposisyon (Entry of Appearance with Opposition) ang abogado ni Ray patungkol sa PPO. Inamin nila na mataas na opisyal daw si Ray sa barko pero hindi isang kapitan. Nakapagpundar daw sila ng mga ari-arian habang nagsasama at isang condominium unit pati parking slot pa nga ang nasa pangalan lang ni Naty.

Sa kanyang oposisyon, itinanggi ni Ray na ipinahiya nito ang misis at isa raw siyang mabuting ama na nagbibigay ng sustento sa kanyang pamilya. Siya pa nga ang nagpapaaral sa mga anak sa magagandang eskuwelahan. Sa kanyang Certificate of Salary and Allowance nga ay si Naty ang nakalagay na tumatanggap ng padala sa Pilipinas. Ipinakiusap ni Ray na alisin na ang TPO at tanggihan ang PPO ng korte, pati gumawa ng determinasyon ang hukuman sa halaga ng sustento na dapat ibigay. Ipinakiusap din niya na huwag na siyang hingan ng piyansa.

(Itutuloy)

MISIS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with