Endgame ng PNP vs droga, patok! – Carlos

Natutuwa si PNP chief Gen. Dionardo Carlos bunga sa nasa tamang landas ang endgame ng kampanya ni President Digong laban sa droga. Simula nang umpisahan ni Carlos ang endgame sa Double Barrel o Anti-illegal Drugs Operation through Reinforcement & Education (ADORE), sunod-sunod na ang accomplishments ng kapulisan vs droga, hindi lang sa Luzon kundi sa buong Pinas. “As we boost the government’s campaign for criminal justice, the PNP vows to account for more high-value drug personalities and suppress the proliferation of illegal drugs in the community, true to our mandate to better serve and protect the community,” ani Gen. Carlos. Kapag nabawasan ng malaki ang supply ng droga sa kalye matapos ang termino ni President Digong, bahala na ang kasunod na administration kung anong estilo ang ikasa nila para labanan ang problema sa droga, di ba mga kosa? Mismooooo! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!

Ang pinakamalaking accomplishments ng gobyerno ay itong pagsakote kina Ramil Ramos, Gibbrael Arcega at Mikkael Arcega ng tropa nina NCRPO chief Maj. Gen. Felipe “Pipoy” Natividad; QCPD director Brig. Gen. Remus Medina; PDEG chief Brig. Gen. Randy Peralta; PDEA at Customs intelligence sa isang gasoline station sa Mindanao Ave., sa Quezon City. Nakumpiska sa tatlo ang 50 kilos ng shabu na nagkakahalagang P340 milyon. Ayon kay Gen. Peralta, ilang buwan ding minanmanan ng tropa itong mga suspects matapos maituro ng mga nahuhuling drug pushers na source nila ng droga. Nabaril sa kamay si Ramos matapos magtangkang bumunot ng baril habang patakas na. Nakumpiska sa kanya ang kalibre .45 na baril. Idinagdag pa ni Gen. Peralta na nakuha nila sa loob ng sasakyan ang isang travelling bag na naglalamang shabu. «Isang interdiction operation ang ikinasa namin matapos maituro sila ng mga assets at drug pushers na nahuli namin bilang source ng kanilang binibentang shabu,» ani Gen. Peralta. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Sana masundan pa ang trabahong ito bago lumisan sa puwesto si President Digong sa Hunyo 30. Mismooooo!

Hindi naman pahuhuli si Brig. Gen. Ronald Lee, Cordillera police director dahil nagbunot din ang tropa n’ya ng 3,640 fully grown marijuana sa limang plantation sa Bgy. Tacadang, Kibungan, Benguet. Inaresto naman ng mga tropa ni Central Luzon police director Brig. Gen. Matthew Baccay sina Fritz Randrup, 32, sa isang drug sting sa Bgy. Dolores, San Fernando City, Pampanga. Ayon kay Baccay, nakumpiska kay Sandrup ang shabu, 9mm pistol, drug-sniffing paraphernalia, at puting Hyundai Elantra. Nahuli naman ng mga tauhan ni Col. Dominic Baccay, Rizal provincial director si Mark Paul Regaspi, sa bayan ng Taytay. Nakumpiska kay Regaspi ang 135 grams ng shabu na nagkakahalagang P918,000. Ang tropa ni Brig. Gen. Roque Vega, PRO 7 director, naman ay inaresto sina Shelljay Cuyno, 24, a Dennis Centino, 24, ay nakumpishan ng 5,125 grams ng shabu worth P34.85 milyon. Si Jaime Entice, 53, naman ay nahulihan ng 600 gramo ng shabu sa halagang P4.08 milyon. Hak hak hak! Hayan, dapat bigyan man lang ng commendation ni Gen. Carlos ang mga nagtrabahong kapulisan, di ba mga kosa? Dipugaaaaa! Abangan!

Show comments