Excise tax, bow
SABI ng ilang pa bright-bright sa gobyerno hindi raw maaring suspindihin ang excise tax sa langis dahil kawawa ang gobyerno.
Bakit?
Malulugi raw ito ng P138 billion o 0.6 % ng gross domestic product.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kinakalampag ng madlang people ang gobyerno para suspindihin ang excise tax at VAT sa petroleum products para makahinga nang maayos sa dinaranas na kahirapan ng madlang people sa Philippines my Philippines sa bigat ng mga gastusin lalo’t sa mga pangunahing bilihin na hindi kayang awatin ng Department of Trade and Industry.
Bakit?
Nagtaasan ang bilihin ng mga pangunahing bilihin lalo na ang mga gatas.
Naku ha!
Ano ba ito?
Sabi ng mga pa bright, bright kapag sinuspinde nila ang excise tax at VAT sa petroleum products malaki raw ang mawawala sa kuwarta ng gobyerno. Hehehe!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mabuti ang magbigay ng tulong sa mga mahihirap pero ang hindi nila naisip paano ang mga nasa middle class na kakarampot ang sahod at nagbabayad ng buwis?
Sabi nga, paano ang pamilya nila?
Hoy gising!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, totoong nangangailangan ng salapi ang mga mahihirap kaya kailangan talaga silang tulungan, ang tanong nga lang paano ang mga nasa middle class na isang kahig, isang tuka ang sahod sa kanilang mga pinagtatrabahuhan?
Hindi ba sila tutulungan o bibigyan ng ayuda?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, totong mahalaga ang excise tax para mapondohan ang mga tiwali este mali gobyerno pala pero dapat magkaroon ng balanse para sa madlang people na naghihikahos sa malaking problema dulot ng giyera ang Russia at Ukraine.
“Totoong hindi lang sa Philippines my Philippines may problema ang madlang people kundi sa buong mundo pero dapat tulungan habang maaga ng gobyerno lahat ng nasa B C at D class na madlang Pinoy.
Ano sa palagay ninyo? Abangan.
- Latest