Klase ng headache at tamang gagawin  

NARITO ang tatlong klase ng headache:

1. Tension headache – Pakiramdam na parang may headband sa noo at mahigpit o masikip sa noo at likod ng ulo. Kapag hinawakan ang balat, masakit sa anit, leeg o balikat dahil sa stress, galit, pag-aalala, lungkot at kaba.

2. Migraine Headache – Minsan, masakit sa kalaha-ting parte ng ulo, nahilo o parang nasusuka, sensitibo sa liwanag, ingay at parang pagod. Gayundin may “aura” o warning signs na para bang umiilaw o blank spots o iba’t ibang kulay ang nakikita.

3. Cluster Headache – Ang sakit na pumupunta sa may mata, mukha, ulo, leeg at balikat. Sa 1 parte lang nakararanas ng pagluluha at mapula ang mata, may sipon, at sobra ang sakit.

Kadalasan sumasakit din ang ulo ng mga bata at teenagers sa ilang kadahilan tulad ng stress sa eskuwela, kaibigan at pamilya. Minsan, masakit ang ngipin, o may impeksyon sa tenga o lalamunan.

Rekomendasyon:

1. Kung migraine headache, iwasan ang mga triggers na pagkain.

2. Kumain ng regular 3 beses sa 1 araw.

3. Uminom nang sapat na tubig.

4. Magkaroon ng sapat na tulog, huwag magpupuyat.

5. Kung mag-e-ehersisyo, piliin lamang ang kaya ng inyong katawan o iyong mga magagaan lamang.

6. Relaxation technique: magpamasahe, meditation.

7. Ang pagligo ng maligamgam na tubig ay may tulong para mabawasan ang sakit ng ulo.

8. Cold compress para sa masakit na ulo. Warm compress sa masakit na muscle.

9. Iwasan ang sobrang mapagod, pati na ang sobrang lamig o init.

10. Kumunsulta sa Neurologist na doktor kung sobra ang sakit ng ulo, sobrang hilo, nagsusuka, walang balanse, may mataas na lagnat, at kung nawalan ng malay.

Show comments