^

PSN Opinyon

Ang mapanganib na teknolohiya

AKSYON NGAYON - AL G. Pederoche - Pilipino Star Ngayon

Napakalayo na nang narating ng cyber at digital tech­nology. Kahit ang mga namayapang bayani o sinumang personalidad ay nagagawang pagsalitain ng mga eksperto at ang makakakita ay mamamangha na lang. Wala na talagang imposible sa makabagong panahong ito.

Noong araw, may napanood akong novelty video na ang layunin ay para pasayahin lang mga nanonood sa You Tube. Ito ay larawang gumagalaw ni yumaong U.S. Pres. Abraham­ Lincoln na naghahayag ng pamosong Talumpati sa Gettysburg. Medyo magaspang pa ang pagkakagawa nito at halata ang manipulasyon pero nakakalibang. May 10 taon na marahil mula nang napanood ko ito.

Naisip ko na hindi malayong aabot sa punto na ang teknolohiyang ito ay mapagbubuti pa para hindi malalaman­ ng tao ang minanipula sa hindi. Sa ngayon, kahit ang mga marurunong na Pinoy ay nakagagawa ng ganito. Kahit ang pambansang kamaong si Manny Pacquiao ay puwede nang palabasing lumalaban kay yumaong Muhammad Ali.

Sa unang tingin, magandang pag-unlad ito. Pero may nakakakilabot na maaaring ibunga nito. Maaari itong ga­mitin sa pagsasagawa ng mga “fake news” lalo na sa pani­nira ng mga pulitiko sa kanilang mga kalaban sa pulitika. Maaaring sa pamamagitan ng digital editing ay papagsalitain nila ang kalaban sa pulitika ng mga pahayag na makasisira sa kanyang sarili.

Nangyayari na nga iyan ngayon sa panahong papala­pit ang halalang nasyunal. Imbes na makatulong ang high technology sa paghubog ng magandang karakter sa mga tao, nagiging instrumento pa ito na ginagamit sa masamang layunin.

Ngunit naniniwala akong kaakibat ng pag-angat ng tek­no­lohiya, pati ang pag-iisip ng marami ay umangat din para maunawaan kung ano ang mga fake news sa hindi. At sa mga hindi nakakaunawa, bago paniwalaan ang anumang mapanirang ulat, matuto muna tayong manaliksik at magsuri.

vuukle comment

GETTYSBURG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with