Kaya sumakit ang likod, baywang, tuhod at talampakan, dahil madalas ay hindi natin napapansin na mali ang paraan sa pagtatrabaho. Kaya heto ang tamang gagawin:
1. Sa pagbuhat ng balde. Maling gawi: Mabigat ang binubuhat na balde ng tubig o basang damit. Tamang paraan: Hatiin ang laman ng balde kapag bubuhatin para kalahati lamang ang bigat ng dinadala.
2. Sa pagbubuhat ng pinamalengke, sumasakit ang likod.Maling gawi: Napakabigat ng dala o pinamalengke.
Tamang paraan: Gumamit ng may gulong na bag. Hatiin ang bigat sa kaliwa at kanang kamay. O magdala nang maraming bag.
3. Sa pagtatanim o pag-aalis ng damo sa bakuran, sumasakit ang likod at tuhod. Maling gawi: Nakayuko
Tamang paran: Kumuha ng mababang silya at umupo habang nasa garden.
Ilan pang tips:
1. Kapag may inaabot na mataas, gumamit ng mahabang sungkit o stepper o ladder.
2. Gamitin ang buong katawan sa pagkilos, kailangang grupo ng muscles at hindi puro likod ang gamit.
3. Gumamit ng tamang lambot ng sapatos tulad ng rubber shoes. Dahil kapag matigas ang tapakan sasakit ang sakong at talampakan.
4. Mag-stretching muna sa umaga bago magsimula sa magtrabaho.
5. I-schedule ang trabaho. Halimbawa: 1 araw sa paglalaba, 1 araw sa paglilinis ng bakuran. Ito ay para makapahinga ang masel na ginamit sa isang gawain.
6. Pansinin palagi na tama ang posture, pag-upo at pagtayo. Idiretso lagi ang likod. Huwag kuba.