Menstrual cramps Willie ong

Kung ikaw ay babae malamang na nakaranas ka na ng menstrual cramps o pananakit ng puson. Sa medikal na tawag ay dysmenorrhea.

Ang sobrang pananakit ng puson ay nabubuo sa ibabang bahagi ng tiyan at gayundin sa likod at hita. Ang iba naman ay nakararanas pa ng pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, pagpapawis at pagkahilo.

Marami sa kababaihan ay nakararanas ng menstrual cramps bago dumating o habang mayroong regla.

Ayon sa mga eksperto, ang pananakit ay dahil sa pag­hilab ng matris (uterus) na nagpapahiwatig na ang dalu­yan ng dugo ay naiipit. May kondisyon din tulad ng endo­metriosis at uterine fibroids na nagdudulot ng sakit sa puson.

Ang menstrual cramps ay nababawasan habang nagka­kaedad at nawawala pagkatapos manganak.

Tips para makaramdam ng ginhawa at maiwasan ang menstrual cramps:

1. Lagyan ng hot compress – Subukan magbabad sa bath tub ng may maligamgam na tubig o mag-apply ng hot compress (mainit na tuwalya) sa ibabang bahagi ng tiyan.

2. Mag-ehersisyo – Nakatutulong ito na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

3. Pain relievers na panandalian lang – Puwede ang paracetamol, ibuprofen o naproxen kapag nagsimula na makaramdam ng cramps. Kung hindi naman ganoon kasakit, huwag na lang uminom ng pain relievers.

4. Dietary supplement – Ayon sa ilang pag-aaral na ang Vitamin E, thiamin, at omega-3 supplement ay maaaring makatulong na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.

Kumunsulta sa iyong doktor kung ang menstrual cramps ay sobrang sakit, may kasamang lagnat, hindi nawawala, at nakagagambala sa iyo. Kumunsulta rin kung naduduwal, nagsusuka, o mayroong kakaibang discharge o amoy sa puwerta.

Show comments