Bingi o bulag ang DENR?

Naiipit ang DENR sa isyu ng OceanaGold Philippines, Inc. (OGPI). Dalawang taon nang paso ang Financial and Technical Assistance Agreement (FTAA) na ibinigay sa OGPI upang magmina sa Bgy. Didipio, Kasibu, Nueva Vizcaya.

Hindi na mabilang ang panawagan ang mga katutubo ng Didipio at mamamayan ng Nueva Vizcaya sa DENR para patigilin ang OGPI ngunit na-renew din ang FTAA nito. Bingi kaya ang DENR o bulag dahil sa pansariling interes?

Ayon sa mga katutubo at mamamayan, si President Digong na dapat ang manghimasok sa usapin dahil ayaw nito sa open pit mining. Batid ni Digong ang masamang epekto nito sa kapaligiran.

Hindi sang-ayon ang barangay hanggang sa pamunuan ng probinsiya sa pagwasak sa Didipio dahil sa open pit mining. Kahit ang regional development council ng Cagayan Valley ay tutol dito.

Sa paglabag ng OGPI, malaking palaisipan kung ano ang nagbunsod sa DENR upang ipagpilitan kay Digong na aprubahan ang renewal ng FTAA nito.

Si Digong mismo ang nag-aatubiling i-renew ang FTAA ng OGPI. Otomatiko na sana sa DENR ang hudyat na i-decommission at i-rehabilitate na ang Didipio sa open pit mining para mapanatag ang mamamayan sa peligro ng landslides tuwing may bagyo!

Mabigat na kasalanan ang pagwawalambahala sa kapakanan ng mamamayan at kapaligiran.

* * *

Para sa suhestiyon: art.dumlao@gmail.com

Show comments