May sinabi si Pangulong Duterte noong isang gabi sa kanyang talumpati sa Cagayan de Oro City — ‘‘Pero mao gyud na’y ako. Wa’y makatumba ana nila. Hadlok. Hadlok eleksyon? Eh di na man ko mudagan. Unsa may akong sakit sa akong kigol?”
Para sa mga Bisaya talagang tatawa ka sa ibig sabihin ng ‘unsa may sakit sa akong kigol o lubot “puwet”. Ngunit heto seryoso na — malapit na ang Oktubre, ang filing ng certificate of candidacy sa mga national posts lalo na sa president at vice president.
Ilang buwan na lang Oktubre na at hanggang ngayon wala pa ring napapangalanang tatakbo sa opposition o maging sa administrasyon man.
Ang sinasabi ko lang lahat sila ay busy sa pagpuna, criticize o pangangaway kay President Duterte.
Naubos na ang oras nila hanggang sa darating na ang Oktubre. Eh, hindi naman tatakbo si Duterte kaya dapat nakatuon ang pansin nila sa pag-promote o pangangampanya na sa kanilang mga kandidato.
Kasi nga maubusan na sila ng oras at bukas o sa makalawa ay halalan na at wala ang sapat na panahon upang mangampanya.
Siguro naman, hindi pa huli upang baguhin kahit kaunti ang campaign strategy ng mga tatakbo sa May 2022 elections.